1. Alin ang pambansang ahensya ng pamahalaan na namamahala sa
serbisyong pangkalusugan ng mga mamamayan?
A. Kagawaran ng Agrikultura
B. Kagawaran ng Edukasyon
C. Kagawaran ng Enerhiya
D. Kagawaran ng Kalusugan
2. Ang isa sa mga sumusunod ay serbisyong pangkalusugan ng pamahalaan
na naglalayong malabanan ang sakit na polio, tigdas at trangkaso.
A. pagbabakuna C. libreng pagkonsulta sa dentista
B. libreng pagpapaospital D. programa para sa kababaihan
3. Ito ang ahensyang nangangasiwa at nagpapatupad ng mga programa sa
edukasyon sa bansa maging publiko man o pribadong paaralan.
A. Kagawaran ng Agrikultura
B. Kagawaran ng Edukasyon
C. Kagawaran ng Katarungan
D. Kagawaran ng Turismo
4. Ito ay programang pangkalusugan ng pamahalaan na pinangangalagaan ang
kalusugan ng mga nagdadalang tao, libreng bitamina at libreng bakuna
laban sa sakit gaya ng neo tetanus.
A. Complete Treatment Pack C. feeding program
B. free dental check up D. programa para sa kababaihan
5. Si Sandra ay nag-aaral sa isang pampublikong paaralan. Libre ang kaniyang
pag-aaral dito. Ano ang dapat niyang gawin?
A. Mag-aral nang mabuti hanggang makapagtapos.
B. Maaari siyang hindi pumasok araw-araw dahil libre naman ito.
C. Humingi ng malaking halaga ng baon sa magulang dahil libre naman ang
pag-aaral.
D. Masiyahan na sa mababang marka basta’t makapasa dahil siya naman
ay nasa pampublikong paaralan.
6. Paano mo mapanatiling malusog ang iyong katawan upang makatulong sa
pag-unlad ng bansa?
A. Kumain ng masustansiyang pagkain.
B. Gumamit ng ipinagbabawal na gamot.
C. Mag-ehersisyo kung kailan nais gawin.
D. Manood ng telebisyon hanggang hatinggabi.
7. Ang mga sumusunod ay kahalagahan ng mga paglilingkod na
pangkalusugan maliban sa isa _________________________.
A. mabibigyan ng libreng gamot ang mga mamamayan
B. makapagpapagamot ang pinakamahihirap na mamamayan
C. mapagkalooban ng agarang tulong ang mga nangangailangan
D. mapapabayaan ang mga mamamayang may malubhang karamdaman
8. Isang katutubo ang iyong kalaro. Sinasabi niya sa iyo ang tungkol sa
kanilang mga paniniwala na natutunan niya sa kaniyang pag-aaral. Ano ang
mabuting gawin mo?
A. Magkukunwari akong nakikinig .
B. Sasabihin kong maglaro na lamang kami.
C. Makikinig ako para may matutunan din ako.
D. Sasabihin ko kung ano ang mga ayaw ko sa mga gawi nila.
9. Nag-anyaya ang inyong Kapitan sa mga nais lumahok sa livelihood program
sa barangay. Ano ang iyong gagawin?
A. Huwag na lang pumunta.
B. Magsasawalang-kibo dahil hindi ito kayang gawin.
C. Huwag pansinin dahil hindi naman ito nakakatulong.
D. Pupunta ako upang makatulong sa programang pambarangay.
10. Binigyan kayo ng proyekto ng inyong guro. Hindi mo naintindihan ang
paliwanag kung paano ito gagawin. Ano ang dapat mong gawin?
A. Ipagawa ang proyekto sa kapatid.
B. Hindi na lang gagawin ang proyekto.
C. Magagalit sa guro at isusumbong sa magulang.
D. Magtanong uli sa guro upang maintindihan ito.
Share
Answer:
1.D
2.?
3.C
4.A
5.B
6.A
7.A
8D.
9.B
10.A
Explanation:
carry on learning
Answer:
1.) D
2.) A
3.) B.
4.) A/D
5.) A
6.) A
7.) D
8.) C
9.) D
10.) D