1. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kalagayan o sitwasyon ng Pilipinas noong pre-
kolonyal o bago dumating ang mga mananakop?
A. may sariling teritoryo
B, may sariling pamahalaan
c. may pananampalatayang Kristiyano
D. may sistema ng pagbasa at pagsulat
9
1
10
2. Ang paniniwala ng ating mga ninuno na ang tao, hayop, halaman, bato, tubig, at kalikasan
ay may kaluluwa.
A. Animismo
B. Islam
C. Judismo
D. Kristyanismo
3. Noong unang panahon, ano ang simbolo ng tattoo o batuk sa katawan ng isang Pilipino?
A. mga alipin
B. Isang bilanggo
C. pagiging kriminal
D. kagitingan at kagandahan
4. Ang tagapayo at katulong ng sultan sa pagpapatupad ng batas.
A. Adat
B. Hariraya
C. Ruma Bichara
D. Zakat
5. Ano ang ginagawa ng mga barangay para maiwasan ang di pagkakaunawaan at
awayan?
A. nagkaroon sila ng isang paligsahan
B. kapwa sila nanalangin sa mga diyos upang maiwasan ang gulo
c. sakupin ang ibang barangay upang maging tagasunod ng kanilang datu
D. nakipagkasundo ang mga barangay sa isa't isa sa pamamagitan ng sandugo
6. Anong kulay ng kangan ang isinusuot ng datu?
A. asul
B. berde
C. Itim
D. pula
Share
Verified answer
Answer:
Ang Buhay sa Sinaunang Pilipinas
Narito ang mga tamang sagot:
Explanation:
Ang mga sinaunang Pilipino ay mayroon nang sariling teritoryo, pamahalaan, at sistema ng pagbasa at pagsulat. Ang relihiyon ng karamihan ay animismo, kung saan sinasamba ang kalikasan. Marami ring Pilipino noon ang nagtataglay ng tato sa katawan, na simbolo ng kagitingan at kagandahan.
Ang bawat lugar noon sa ating bansa ay pinamumunuan ng isang datu, na may magagarang kasuotan kagaya ng pulang kangan (o itim na kangan para sa mas mababang datu). Ang mga pinuno ng mga barangay noon ay nakikipagkasundo sa mga kalapit barangay upang maiwasan ang gulo. Sa ibang lugar, kagaya ng mga kontrolado ng mga sultan, nagtitiwala sila sa mga Ruma Bichara upang gumawa ng mga batas at maging tahimik ang kanilang nasasakupan.
Para sa iba pang impormasyon tungkol sa mga sinaunang Pilipino, bisitahin lamang ang link na ito:
brainly.ph/question/157630
brainly.ph/question/439434
#BrainlyEveryday