1. Alinsunod sa Saligang Batas ng 1935, nagdaos ng isang pambansang halalan noong
Setyembre 7, 1935. Ano ang layunin nito?
A. Upang piliin ang pambansang wika para sa bansa
B.
Upang piliin ang mamamahala sa Pamahalaang Komonwelt
C. Upang piliin ang mamumuno sa Sandatahang Lakas ng bansa
D. Upang suriin ang mga sumasang-ayon na makaboto ang mga babae
2. Sa panahon ng Pamahalaang Komonwelt, layunin nitong magkaroon ng mga batas na
magiging patas sa lahat ng tao sa lipunan. Alin sa mga sumusunod na batas ang hindi
nagtataguyod ng katarungang panlipunan?
A. Eight-Hour Labor Act
B. Minimum Wage Act
C. Tenancy Act
D. Anti-Terrorism Bill
3. Ang pangulo ng bansa ang pinakamataas na posisyon sa pamahalaan na may kasamang
mabigat na responsibilidad o tungkulin. Alin ang katungkulan ng pangulo ng bansa ayon
sa Saligang Batas?
A. May kontrol sa lahat ng kagawaran at kawani ang tagapagpaganap.
B. Maglitis sa mga paglabag sa batas
C. Gumawa ng mga batas na ipapatupad sa bansa.
D. Maghatol ng parusa sa mga gumawa ng krimen.
4. Isang mahalagang bagay na naitatag ng Pamahalaang Komonwelt ang pagkakaroon natin
ng sariling Sandatahang Lakas. Bakit kailangang magkaroon ng reserbang lakas ang
Sandatahang Lakas ng Pilipinas?
A. Upang makatulong sa pagpapanatili ng kalinisan sa bansa
B. Upang makatulong sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa
C.Upang makatulong sa pagtatanggol ng bansa sa oras ng kagipitan
D. Wala sa nabanggit
5. Ang sangay na Hudikatura ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng Korte Suprema.
Bakit ang Korte Suprema ang lumilitis ng mga kaso o paglabag sa batas?
A. dahil ito ay kanyang kapangyarihan ayon sa Saligang Batas
B. dahil ito ay utos ng pangulo ng Amerika
C. dahil ang mga kawani nito ay tapat
D. Lahat ng nabanggit
Share
Answer:
1. B
2.A
3.A
4.B
5.D OR B IM NOT SURE