1. Ang dignidad ay hindi nalalabag (inviolable), nakukuha, maaagaw o maipagkakait (in allenable).
A. Ito'y nangangahulugan na ang paggalang natin sa dignidad ng kapwa ay dapat nating ibibigay kahit ano pa man o sino pa man siya.
B. Ito'y nangangahulugan na ang dignidad ay para lamang sa mga taong walang kasalanan
C. Ito'y nangangahulugan na ang dignidad ay dapat ibibigay lamang sa mga taong nararapat nating igalang.
D. Ito'y nangangahulugan na ang ang dignidad ang makukuha lamang kung ito'y ibibigay ng kusa sa kapwa.
2 Ang dignidad ay nagmumula sa Latin na dignitas, mula sa dignus na ibig sabihin "karapat-dapat". Alin sa mga sumusunod ang nagpapaliwanag sa kahulugan ng dignidad?
A. Ang dignidad ay ang pagkakaroon ng karapat-dapat na tao sa ating paggalang.
B. Ang pagiging karapat-dapat ay ang pagkaroon ng walang kahit anong bahid ng kasalanan.
C. Karapat-dapat lang tayong bigyan ng dignidad kung tayo ay naging mabuting tao at walang ginawang kasalanan.
D. Ang dignidad ay nangangahulugan ng pagiging karapat-dapat ng tao sa pagpapahalaga at paggalang mula sa kaniyang kapwa.
3. May mga pagkakataon ba na ang dignidad ng tao ay hindi napapahalagahan?
A. Wala, dahil pinapahalagahan ito palagi.
B. Wala, dahil hindi tiyak sa akin kung ano ang dignidad.
C. Oo, sa tuwing ang tao ay nakakaangat sa buhay.
D. Oo, sa panahon na ang tao ay gumagawa ng kasamaan at hindi niya napapahalagahan ang kanyang dignidad.
4. Sa iyong palagay, pinahahalagahan pa ba ang dignidad ng tao sa kasalukuyan?
A. Hindi na ashil marami sa mga tao ngayon ang ipinagpalit ang sariling dignidad dahil sa pera.
B. Oo, dahil may mga tao pa ring may mabubuti ang kalooban.
C. Parehong oo at hindi maraming mga tao ngayon ang sinakripisyo ang sariling dignidad dahil sa kahirapan at para na rin sa kanilang mga personal na interes. Ngunit hindi naman lahat dahil meron pa ring mga natitirang tao na inaalagaan ang kanilang dignidad at may malaki ring paggalang sa dignidad ng kapwa.
D. Maraming tao ang hindi na nagpapahalaga sa kanilang dignidad dahil makikita at maririnig natin ang balita ang mga karanasan at ang mga karapatan ng tao.
5. Ano ang dignidad ng tao?
A. Ito ay nagpapahayag ng kasikatan ng tao.
B. Ito ay tumutukoy sa kakayahan ng matalinong tao.
C. Ito ay ang karapatang ng isang tao na pahalagahan at magkaroon ng respeto at paggalang mula sa kanyang kapwa-tao.
D. Ito ya mabisang paraan para maging matagumpay na tao
Share
Answer:
1.C
2.D
3.D
4.C
5.C
SANA NAKA TULONG.