1. Ang mga tao ay dapat maging disiplinado sa pagtatapon ng basura sa paligid. Dahil ito ay isa sa mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng pagbaha sa ating mga ilog at estero. Kaya dapat ay papanatilihin ang kalinisan at magkaroon ng maayos na tapunan ng basura sa ating lugar. 2. Ayon sa pag-aaral, ang labis na pagkain ng mamantikang pagkain ay masama sa ating kalusugan, dahil nagsasanhi ito ng pagtaas ng dugo natin. Ang sobrang pagtaas ng dugo ay maaring maging sanhi ng ating pagkamatay. Kaya dapat iwasan ang pagkain ng matatabang pagkain. Magkaroon lang ng limitasyon. 3. Ang ating daigdig ay binubuo ng tubig at lupa. Pitumpung porsiyento (70%) ang tubig at tatlumpung porsiyento (30%) ang lupa. Nangangahulugan lamang na napapaikutan o binubuo ng malaking bahagi ng tubig ang mundo. At ang tubig na ito ay nasa iba't-ibang anyo na may taglay namang iba't-ibang kagandahan. Sa tubig rin nanggagaling ang masaganang pagkain gaya ng isda, halamang dagat at maraming pang iba. 4. Pangarap ni Jun na maging magaling na manlalarong basketbol. Ngunit ayaw niyang isali ang mga kaklase sa pangkat nila. "Lampa ka naman, baka mabalian ka kapag nabangga ng kalaban," tukso nila. Hindi nasiraan ng loob si Jun. Patuloy siyang nagsasanay. Minsan, may laban ng basketbol ang mga kaklase niya. Nanonood si Jun nang may mabalian na kaklase nila. "Paano ngayon? Wala tayong ipapalit kay Mark,” wika ng isang kasapi. "Hayun si Jun, isali natin siya," sagot ng isa. "Huwag na iyan, baka isa pa yang mabalian,” wika ng isa. "Kailangan natin siya. Kulang tayo ng kasapi," payo ng isang kasapi. Tinawag nila si Jun. Mabilis namang nagbihis si Jun. Siya ang naging tagadala ng bola. «Yahoo! Panalo tayo," sigawan ng mga kasama ni Jun. Binuhat nila si Jun at inilibot sa paaralan. Masayang-masaya si Jun. 5. Iniluwas nina Ben at Grace sa bayan ang kanilang mga gulay. Ipagbibili nila ito sa palengke. "Inay saan po namin maaring itago ang aming pera?" tanong ni Grace sa kaniyang ina.
Share
Answer:
Tama yan taming Tama yan