1. Ang paikot na daloy ng ekonomiya ay naglalarawan sa ugnayan ng bawat sektor
ng ekonomiya. Alin sa mga pahayag ang may kinalaman dito.
A. Ang sambahayan ay
pamahalaan sa kanilang mga
pangangailangan
B. Ang sambahayan ang nagkakaloob ng mga salik ng produksyon sa bahay-kalakal.
C. Ang bahay-kalakal ang nagkakalood ng salik ng produksyon sa sambahayan.
D. Ang pamahalaan ang nangongolekta ng buwis mula sa bahay-kalakal at sambahayan para sa sarili nilang kapakanan.
2. Sa sinaunang panahon, umiral ang simpleng ekonomiya na inilalarawan sa unang modelo. Ano ang katangian ng simpleng ekonomiya?
A. Ang sambahayan at bahay-kalakal ay iisa. Ibig sabihin, ang prodyuser ay siya ring konsyumer.
B. Ang sambahayan at bahay-kalakal ay hiwalay. Magkaiba ang tagagawa ng produkto at kumokunsumo rito.
C. Ang pamahalaan ay nabuo na siyang gumagabay sa mga gawain ng sambahayan at bahay-kalakal.
D. Ang mga sambahayan at bahay-kalakal ay nag-iimpok at umuutang sa financial market.
3. Sa kasalukuyang pandemya, paano dapat ipamamalas ng pamahalaan ang kanilang tungkulin sa sambahayan?
A. Mabagal na magbigay ng tulong sa mga mamamayan sa oras ng kalamidad
B. Hindi magbigay ng tulong sa mga mamamayan sa oras ng kalamidad
C. Walang sinasayang na pondo at inilalaan lahat sa pangangailangan ng bansa
at mamamayan
D. Mangutang sa mga mamamayan at maningil ng buwis para may magamit sa
mga proyekto
4. Paano dapat ipamalas ng bahay-kalakal o mga kompanya ang kanilang tungkulin sa paikot na daloy?
A. Bayaran ang mga manggagawa ng minimum na sahod
B. Lumikha ng mura ngunit may kalidad na produkto
C. Mamuhunan para sa pag-unlad ng dayuhang industriya
D. Magbigay ng tulong sa oras ng kalamidad
5. Ang factor market ay pamilihan na nagkakaloob ng mga salik ng produksyon at
ito ay pagmamay-ari ng sambahayan. Alin sa mga sumusunod ang mga salik ng
produksyon?
A. lupa, paggawa, kapital, entrepreneurship
B. upa, sahod, interes, tubo
C. pension, scholarship, donasyon at iba pang benepisyo
D. pag-iimpok at pamumuhunan
Share
A
C
B
D
B
Explanation:
pa heart at brainliest