Bata, Bata, Huwag Pabayaan ang Wikang Pambansa
by Alex Julia Buendia
Bata pa lamang ay namulat na ako sa wikang banyaga. Sa katunayan, mas
nakasanayan ko na bumilang sa Ingles kaysa sa Tagalog, lalo’t higit kapag nakikipaglaro
ng tago-taguan.
Bilang isang estudyante sa elementarya, tila mas naging importante sa akin ang
magmukhang astig sa harap ng mga kaibigan kaysa maging sugo ni Inang Wika.
Ngunit kinalaunan ay nahayag sa akin ang hirap na aking maaring kaharapin dahil sa
hindi pagiging sanay sa sariling wika. Sa pagtukoy pa lamang ng mga araw ng linggo
ay kumukunot na ang aking noo sa kadahilanang hindi ako sigurado kung aling araw
nga ba ang kahulugan ng nabanggit.
Bakit nga ba umabot pa sa puntong ang tingin sa sariling wika ay mas mababa
at naging mas madaling matutuhan ang mga salitang hindi naman atin? Kapansin-
pansin pa sa ngayon na karamihan ng mga kabataan ay mas diretso pa magsalita ng
Ingles kaysa ng Filipino. Maaring sabihing kagaya ko, nag-uugat ito sa kinagisnan ng
bata sa kaniyang pangunahing pangkat kabilang na ang impluwensiya ng pamilya at
mga malalapit na kaibigan. Maaari rin namang dahil ang Ingles ay kinikilala na opisyal
na wika rin ng Pilipinas at ginagamit bilang daluyan ng kaalaman mula samga iba’t
7
Modyul sa Filipino 4
Ikatlong Markahan: Ikatlong Linggo
ibang panig ng mundo.
Ang mentalidad na ito ay nagsisilbing-diin kung bakit nararapat lamang na sa
murang edad ay sanayin ang mga kabataan na gamitin ang wikang Filipino upang lalo
nila itong bigyang kahalagahan sa kanilang paglaki. Hindi naman masama na ituro at
gamitin ang wikang Ingles, ngunit bakit parang naiwan tayong nakakulong pa rin sa
sistema ng mga mananakop? Hindi ba nararapat lamang na bigyan ng angkop na
pagpapahalaga ang sariling wika o ang wikang Filipino sa murang edad pa lamang, bago
iprayoridad ang wikang dayo?
http://lavoxa.org/2020/08/21/bata-bata-huwag-pabayaan-ang-wikang-pambansa/
1. Ang pangunahing ideya sa editoryal na nais sabihin ng awtor ay
A. Dapat ituro sa mga bata sa murang gulang pa lamang ang wikang sarili
upang pahalagahan nila ito.
B. Higit na gusto ng mga kabataan na pag-aralan ang wika ng ibang lahi.
C. Higit na pahalagahan ang wikang Filipino kaysa sa wikang banyaga.
D. Malaki ang impluwensiya ng kapaligiran sa mentalidad ng kabataan.
2. Alin sa sumusunod ang ideyang hindi binanggit sa editoryal?
A. Mas importante sa tauhan ang magsalita ng Ingles kaysa sa Filipino.
B. Nakakaimpluwensiya sa bata ang kinagisnang pamilya at mga kaibigan.
C. Higit na ginagamit ang Ingles dahil ito ay dominanteng wika.
D. Ang Ingles ay kinikilalang opisyal na wika at daluyan ng kaalaman.
3. Karamihan ng mga kabataan ay mas diretso pa magsalita ng Ingles kaysa ng
Filipino. Sa iyong palagay ang pahayag na ito ay _____.
A. opinyon B. haka-haka C. mungkahi D. katotohanan
4. Ang huling pangungusap sa talata “Hindi ba nararapat lamang na bigyan ng
angkop na pagpapahalaga ang sariling wika o ang wikang Filipino sa murang edad
pa lamang, bago iprayoridad ang wikang dayo?” ay isang ______________.
A. opinyon B. haka-haka C. mungkahi D. katotohanan
5. Bakit nga ba umabot pa sa puntong ang tingin sa sariling wika ay mas mababa
at naging mas madaling matutuhan ang mga salitang hindi naman atin? Ang may
salungguhit ay ginamit bilang________________.
A. Pangngalan B. Pandiwa C. Pang-uri D. Pang-abay pasagot po please
Share
Answer:
1.A
2.A
3.D
4.C
5.B
Explanation:
Sana maka tulong po
mag aral ng mabuti