1. Ang Pilipinas ay may labintatlong rehiyon.
2. Ang Pilipinas ay binubuo ng malalaking pulo.
3. Ang Chocolate Hills ay isang uri ng kapatagan.
4. Karagatan ang pinakamalaking anyo ng tubig.
5. Pinakakaunti ang populasyon sa National Capital Region(NCR).
6. Masagana sa likas na yaman ang bansang Pilipinas.
7. Pare-pareho ang populasyon ng mga rehiyon sa ating bansa.
8. Ang National Capital Region(NCR)ay ang pinakasentrong rehiyon ng bansa.
9. Maituturing na likas na yaman ang magagandang tanawin sa ating bansa.
10. Ang Pilipinas ay Itinuturing na may pinakamahabang baybayin sa buong daigdig.
Share
Verified answer
1.Mali
Ang Pilipinas ay may 17 rehiyon.
2.Tama
Ang Pilipinas ay binubuo ng 3 malalaking pulo.
3.Mali
Ang Chocolate Hills ay isang burol.
4.Tama
Ang karagatan ay ang pinakamalaki,malawak at malalim na anyong tubig.
5.Mali
Ang NCR ang may pinakamalaking populasyon sa ating bansa.
6.Tama
Mayaman ang Pilipinas sa mga yamang tubig, yamang lupa, yamang dagat at yamang mineral.
7.Mali
May kanya kanyang dami ng populasyon ang mga rehiyon sa Pilipinas.
8.Tama
Ang NCR nga ang pinakasetrong rehiyon ng bansang Pilipinas.Ang Visayas ay isang pulo,di rehiyon.
9.Tama
Ang likas na yaman ng Pilipinas ang dahilan kung ba't binabalik balikan ang bansa natin.
10.Mali
Canada ang itinuturing na may pinakamahabang baybayin sa buong daigdig.