1. Ang salitang ekonomiks ay galing sa oikonomeia, isang salitang Griyego na ang ibig sabihin ay:
a. Pamamahala ng negosyo
b. Pakikipagkalakalan
c. Pamamahala ng tahanan
d. Pagtitipid
2. Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan sapagkat:
a. Pinag-aaralan dito kung paano nagtutulungan ang mga tao upang matugunan ang kanilang
materyal na pangangailangan
b. Nagbibigay ito ng mga suhestiyon upang maging mapayapa ang ating daigdig
c. Pinag-iisipan sa araling ito kung paano magkakaroon ng salapi ang tao
d. Pinag-aaralan dito kung paano natin mahihigitan ang kita ng ating kapwa tao
3. May tatlong pangunahing katanungang sinasagot ang ekonomiks. Alin ang hindi kasama sa pangkat?
a. Ano ang mga produkto at serbisyong kailangan ng lipunan?
b. Paano lilikhain ang mga kailangang produkto at serbisyo?
c. Para kanino ang mga lilikhaing produkto at serbisyo?
d. Paano titipirin ang mga sangkap sa paggawa ng produkto?
4. Ang kakapusan o scarcity ay maaaring umiral sa mga pinagkukunang yaman tulad ng yamang likas, yamang tao, at yamang kapital. Nagkakaroon ng kakapusan sa mga ito dahil:
a. Limitado ang mga pinagkukunang yaman at walang katapusan ang pangangailangan at kagustuhan
ng tao
b. Sa mga bagyo at iba pang uri ng kalamidad na pumipinsala sa mga pinagkukunang-yaman
c. Sa mga negosyanteng nagsasamantala at nagtatago ng mga produktong ibinebenta sa pamilihan
d. Likas na malawakan ang paggamit ng mga tao sa pinagkukunang yaman ng bansa
5. Kung ikaw ay isang taong rasyonal, ang dapat mong isaalang-alang sa paggawa
ng desisyon ay:
a. Dinadalihang okasyon
c. Opportunity cost ng desisyon
b. Kagustuhang desisyon
d. Tradisyon ng pamilya
6. Bilang isang agham panlipunan, gumagamit ng siyentipikong paraan sa pag-aaral ng ekonomiks. Ibig sabihin nito ay:
a. Tinatanggap ang mga haka-haka lamang sa paggawa ng mga desisyon.
b. Naglilikom at nagsusuri ng mga datos o impormasyon upang makapagbigay ng lapat o angkop na kongklusyon.
c. Sapat na ang pansariling opinyon upang makabuo ng kongklusyon.
d. Ang sasabihin lamang ng mga suplayer ang siyang tama sapagkat sila ang may hawak ng puhunan.
7. Ano ang pinakamahalagang layunin ng ekonomiks bilang isang agham panlipunan?
a. Maibigay ang hilig ng mga maririwasang tao kahit na maraming mahihirap.
b. Maitaas ang antas ng pamumuhay ng lahat ng mamamayan sa isang bansa.
c. Mapag-aralan ang pamamaraan ng pagtaas ng pambansang kita.
d. Makalikha ng mga produkto at serbisyong pang-internasyonal at makapaglingkod sa ibang bansa
8. Mahalaga at makabuluhan ang pag-aaral ng ekonomiks para sa mga kabataan. Ano sa palagay mo
ang pinakamabuting maidudulot sa iyo ng pagkakaroon ng kaalaman sa ekonomiks?
a. Maisasaulo ang mga konsepto sa ekonomiks upang madaling makapasa sa kolehiyo.
b. Maaari kang magsilbing kritiko ng pamahalaan.
c. Mapag-aaralan ang mga gawi, kilos, at siyentipikong pamamaraang makatutulong sa iyo sa pagdedesisyong pangkabuhayan ngayon at sa hinaharap.
d. Magkaroon ka ng kakayahang makapagturo rin ng ekonomiks.
9. Malaki ang bahaging ginagampanan ng ekonomiks sa lipunan. Alin sa mga pangungusap ang nagsasaad ng diwang ito?
a. Sa tulong ng pagsusuri sa ekonomiks, napaghahagdan-hagdan ang katayuan ng mga tao sa lipunan kaya't nauuuri natin ang mahihirap, nakaririwasa, at mayayaman.
b. Upang tumaas ang ekonomiya ng isang bansa, kailangang sundin nito ang mga patakaran ng
mayayamang bansa.
c. Ang paglikha ng mga produktong tutugon sa anumang hilig-pantao ay mahalaga kayat dapat ipagpatuloy and produksyon ng mga ito kahit na masira ang mga yamang likas sa daigdig.
d. Sa pamamagitan ng pag-aaral ng ekonomiks, nakatutuklas ng paraan upang patuloy na tumaas
ang antas ng kita, empleyo, seguridad, at kagalingang panlipunan ng mga mamamayan sa isang bansa.
10. Alin sa sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan ng ekonomiks?
a. Ito ay matalinong pagpapasya ng tao sa pagsagot ng mga suliraning pangkabuhayan na
kinakaharap.
b. Ito ay tumutukoy sa siyensiya ng kaasalan ng tao na nakaimpluwensiya sa kaniyang
pagdedesisyon.
c. Ito ay pag-aaral ng tao at ng lipunan kung paano haharapin ang mga suliraning pangkabuhayan.
d. Ito ay pag-aaral kung paano matutugunan ng tao ang kaniyang walang katapusang
pangangailangan at kagustuhan sa harap ng kakapusan
Share
Answer:
1.c
2.a
3.d
4.a
5.c
6.b
7.b
8.c
9.d
10.d
Explanation:
base from what I learned in my previous topic