1. Ang tamang pangangalaga sa sarili ay nakapag-aambag sa pagkakaroon ng mabuting
kalusugan. Ang isa sa mga ito ay
a. pag-eehersisyo kung may panahon lamang
b. palaging pagpupuyat
c. pag-inom ng anim hanggang walong basong tubig araw-araw
d. hindi pagpunta sa doktor
2. Ang pagpapanatiling malinis ng katawan ay mahalaga para sa isang nagdadalaga at
nagbibinata. Isang paraan ng pagsasagawa nito ay sa pamamagitan ng
a. paliligo araw-araw
b. pagsesepilyo ng ngipin minsan sa isang araw
c. paliligo kung kailan lang nagugustuhan
d. hindi paglilinis ng mga kuko sa kamay at paa
3. Mahalaga ang paghingi ng payo sa mga eksperto tungkol sa mga usaping pangkalusugan
sapagkat
a. masasabi nila sa atin kung ano ang dapat nating gawin upang mapanatili ang
kalinisan ng ating sarili
b. makapagbibigay sila sa atin ng mga mungkahi kung paano pahalagahan ang sarili
c. makatutulong upang matugunan ang pangangalaga sa iyong kalusugan
d. lahat nang nabanggit
4. Ang pagkakaroon ng tamang nutrisyon ay nangangahulugan ng
a. pagkain ng tamang uri at dami ng pagkain
b. pagkain lamang ng mga pagkaing gusto natin
c. pagkain ng junkfoods
d. hindi pagkain ng mga gulay at prutas
5. Ang buhok ay may malaking bahagi sa katauhan o personalidad lalo na sa mga
nagdadalaga at nagbibinata.Kung ibig mo itong mapanatiling malusog at maayos
dapat ay
a. gumamit ng hairbrush habang basa pa ang buhok
b. ugaliin ang pagsusuklay at pagbrush nito bago matulog
c. gumamit ng shampoo at conditioner na akma sa klase ng buhok tuwing dalawang
araw o mas madalas kung kinakailangan
d. kapwa b at C
Share
Answer:
1. C. Or A.
2. A.
3. D.
4. A.
5. B. Or C.
I hope it helps ❤️❤️❤️