1. Ano ang pagpapahayag?
Share
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Pagpapahayag
· Ang pagsisiwalat ng tao ng kanyang mga nasasaloob, ng kanyang mga paniniwala, ng lahat ng kanyang mga nalalaman
Dalawang Anyo ng Pagpapahayag
· Pasalita
o Maaaring isagawa nang harapan o lantaran at malapitan, dili kaya ay hindi at malayuan
· Pasulat
o Ibinabahagi ang mga kaalaman, paniniwala, mithiin at saloobin sa pamamagitan ng pagsasaakda, mapalimbag man ang mga ito o hindi
Mga Salik ng Pagpapahayag
· Nilalaman
o Ang pahayag ay may nilalaman kapag ito ay may mahalaga at kinakailangang kabatiran, may aral na itinuturo at nagbibigay kaaliwan
o Isinasaad ang nilalaman sa pamamagitan ng pananalitang malinaw, mabigat at nakalulugod; subalit ano mang nilalaman ay kailangang ibatay sa katunayan at katotohanan
o Mga mapagkunan ng nilalaman:
§ Karanasan
· Pinakamagaling na guro sa lahat
· Dahil sa karanasan, nakapagtitipon ng iba-ibang karunungan at kaalamang maaaring ibahagi sa iba
· Ang karanasan ay yaong ginagawa niya sa mga kaganapan sa kanyang buhay upang matamo niya ang kanyang tunguhin o kaya’y makalutas ng kanyang mga suliranin
§ Pakikipanayam
· Isinasagawa kapag may mga kaalamang nais ng taong mabatid mula sa mga dalubhasa o sa mga marurunong, sa mga taong nais makunan ng impormasyon.
· Maaaring ang mga kaalamang naturan ay hindi matatagpuan sa mga aklat o di kaya’y hindi niya pinagdaanan
§ Pagbabasa
· Nakapagpapayaman ng isip, nakapagpapakilos ng guniguni upang makapaglakbay sa iba’t ibang pook
· Pananalita
o Ito ay kakayahang makapili ng mga salitang nagpapahayag ng kurukuro at damdamin na may kalinawan, kapamigatan at kagandahan ng pagpapahayag
o Kailangang maging malinaw upang madaling maunawaan, mabigat upang madaling paniwalaan at maganda upang kalugdan
o Malinaw na pahayag
§ Gumagamit ng magkakaugnay na mga salita, bawat salita’y may tiyak na kahulugan: iwasan ang mga salitang nagbibigay ng pag-aalinlangan
§ Dahil dito, kailangang may wastong bigkas kung sinasalita at wastong baybay kung sinusulat
§ Mawawalan ng saysay ang mga pangungusap na ipinahahayag kung hindi malinaw pagkat mahirap unawain
o Mabigat na pahayag
§ Nababatay sa katotohanan, hindi kakikitaan ng kasinungalingan
§ Kung minsan, may mga pahayag na inaakalang totoo subalit pagkaraan ng ilang panahon ay matutuklasang wala pala itong batayan
§ Ang mga pahayag na may pagmamalabis, kadalasan ay ipinalalagay na kabulaanan
§ Ang mga pahayag na nagmumula sa isang dalubhasa ay may kapamigatan sapagkat ang kanyang sinasabi ay hinggil sa pinagkakadalubhasaan niya
§ Gayon din, ang marangal na tao na kilala sa kanyang katapatang-loob ay madali ring paniwalaan ng iba
o Magandang pahayag
§ Isinasaad sa pamamagitan ng magkakatugon na mga kahulugan at tunog ng salita, maluwag at matayog na kaisipan
§ Ang mga matalinghagang mga salita ay nakatutulong sa pagpapaganda ng pananalita
§ Maganda rin ang pahayag kung maayos ang pagsasama at pagkakasunud-sunod ng mga salita, parirala at pangungusap