1. ano ang pangunahing problemang kinaharap ng pangunahing tauhan sa kuwento?paano ito nalutas?
2. sa palagay mo,bakit nagsimula ang kuwento nang malapit ng gumabi at nagtapos naman sa umaga?anong diwa ang maikakabit natin sa gabi at sa araw
3. ano ang kinakatawan ng bagong taon,at okasyon na ito ang napili ng may-akda ng kuwento?
4. ano ang maiuugnay sa paglura sa mukha? kung walang balak patayin ng mga demonyo ang lalaki,bakit siya nila niluraan sa halip na saktan,tadyakan,pasuhin ng apoy o saksakin?
pakisagot po ng maayos wag napong sumagot kung hindi alam wag napo magsalita ng kung ano-ano dyan sa answer page,alam ko naman pong points lang ang need nyo,need ko po ng answer wag po lokoloko nakakabastos po kasi eh
Share
Answer:
1.) Ang unang problemang kinakaharap ng pangunahing tauhan sa kwento ay ang pagkahuli niya sa mga masasamang nilalang. At kung ano ang mangyayari sa kanya. Ngunit sa kabila ng pagkahuli niya ay hindi naman sya ginagalaw ng mga ito,dinuduraan lang sya at iniwan.
2.) Nagsimula ang kwento sa gabi at nagtatapos sa araw dahil ang kwentong yon ay tungkol sa mga masasamang nilalang na lumalabas lang kapag madilim na ang paligid at ito'y nawawala kapag sumikat na ang araw. ang diwa ng gabi at araw ay tungkol ito sa ating sarili.. Kung paano natin pinahalagahan ang ating sarili at kapwa. kung naging mabuti ba tayo ayon sa kautusan ng Diyos at naging mabuti ba tayo sa ating kapwa.. Ang lahat ng ating ginagawa ay babalik saiyo sa atin yan. Ang gabi ay sumisimbolo ng mga pagsubok sa buhay.. iba't ibang problema ngunit kung ito'y haharapin natin na may taimtim na dasal at paniniwala sa Diyos, ang lahat ng ito ay malulutas at makamtan natin ang kaliwanagan sa buhay. At kung nagtitiis tayo sa buhay at hindi susuko sa lahat ng mga masasamang pagsubok ay darating ang panahon na makakamit natin ang liwanag sa ating buhay .
3.) Ang kinakatawan ng bagong taon,at okasyon ay ang bagong buhay at bagong pag asa. pagkatapos ng mga masasamang pangyayari sa iyong buhay. At ito'y simula ng iyong panibagong magagandang buhay na haharapin Ito'y bagong liwanag sa madilim na nakaraan.
4.) Maiuugnay ko sa paglura sa mukha ibig sabihin nito ay ang mababang tingin sa iyo ng ibang masasamang tao sa iyong paligid ngunit sa kabila ng lahat ng kanilang ginagawa saiyo ay hindi ka kayang talunin ng mga masasamang pagsubok o problema sa iyong buhay at kahit ilang beses kapang nadapa o napukan ngunit nangingibabaw ang kaliwanagan sa buhay mo dahil sa iyong pagka madasalin at pananalig sa Diyos yan ang nagligtas saiyong kapahamakan. Amen.