1.
Ano ang sinisimbolo ng Sigaw sa Pugad Lawin?
2. Bakit pinawalang bisa ni Andres Bonifacio ang halalan na naganap sa Kumbensyon
sa Tejeros
3.
Ano ang layunin ng pagtatatag ng Republika ng Biak-na-Bato?
Share
1.
Ano ang sinisimbolo ng Sigaw sa Pugad Lawin?
2. Bakit pinawalang bisa ni Andres Bonifacio ang halalan na naganap sa Kumbensyon
sa Tejeros
3.
Ano ang layunin ng pagtatatag ng Republika ng Biak-na-Bato?
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
1.)Ang Sigaw ng Pugad Lawin (kilala din sa orihinal na tawag na Sigaw ng Balintawak) ay ipinahayag ng Katipunan at naging simula ng Himagsikang Pilipino laban sa Imperyong Kastila upang makamit ang kasarinlan.[1]
Nang huling bahagi ng Agosto 1896, ang mga kasapi ng Katipunan (Katipunero) sa pamumuno ni Andres Bonifacio ay naghimagsik sa isang lugar na tinatawag na Kalookan, na mas malawak sa kasalukuyang nasasakupan ng Lungsod ng Kalookan na maaaring naisanib na ngayon sa kasalukyang Lungsod Quezon.[2]
Orihinal na tumutukoy ang katawagang "Sigaw" sa sagupaan sa pagitan ng mga Katipunero at ng mga Guwardiya Sibil. Maari din na tumukoy ang sigaw sa pagpunit ng sedula (cédulas personales) bilang pagsuway sa batas at kautusan ng Espanya. Ito ay literal na may kasamang makabayang sigaw.[3]
Dahil sa magkakaibang pahayag at kalabuan ng lugar kung saan nangyari ito, ang tumpak na petsa at lugar ng sigaw ay pinagtatalunan pa.[2][3] Mula 1908 hanggang 1963, ang opisyal na paninindigan ay nangyari ang sigaw noong Agosto 26 sa Balintawak. Noong 1963, ipinahayag ng pamahalaan ng Pilipinas na nangyari ang sigaw noong Agosto 23 sa Pugad Lawin, Lungsod Quezon.[3]
2 .)dahil sabi ni Daniel Tirona tanging
may pinag-aralan lamang ang maaaring mag-okupa sa nasabing posisyon.
3.)Ang Republika ng Biak-na-Bato (Kastila: República de Biac-na-Bató), opisyal na tinutukoy ng saligang batas nito bilang ang Republika ng Filipinas (Kastila: República de Filipinas) ay ang kauna-unahang republikang naitatag sa Pilipinas ng manghihimagsik na si Emilio Aguinaldo at ang kanyang mga kapwa kasapi sa Katipunan. Sa kabila ng tagumpay nito gata ng pagkakatatag ng kauna-unahang Saligang Batas ng Pilipinas, ang republika ay nagtagal lamang ng ilang buwan. Isang kasunduang pangkapayapaan ang nilagdaan ni Aguinaldo (sa pagitan ng mga Katipunero at sa Kastilang Gobernador Heneral Fernando Primo de Rivera) ang nagtapos ng republika at pinatapon si Emilio Aguinaldo sa Hong Kong. Isinasaad sa saligang batas na biak na bato ang paghihiwalay ng Pilipinas sa Espanya at ang pagtatayo ng Republikang Pilipino
Answer:
2.Dahil sabi ni daniel tiora tanging
may pinagaralan lamang ang maaaring mag okupa sa nasabing posisyon