1. ano ano ang mga epekto ika dalawang digmaang pandaigdig?
Home
/
1. ano ano ang mga epekto ika dalawang digmaang pandaigdig?
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Malawakang itinuring bilang pinaka-mapaminsala at may pinakamalawak na epekto na tunggalian sa kasaysayan ng daigdig, nilamon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang bawat mamamayan ng mga kontinente at ang mga rehiyon ng mga dagat, isinangkot ang mahigit 100 milyong kasundaluhan, at kumitil nang humigit-kumulang 60 milyong katao.
Explanation:
Kumplikado ang mga pinagmulan ng digmaan. Noong dekada ng 1930, ang mga tunggalian sa rehiyon ng Europa at Asya ay umigting at nagsimulang isama ang mga kolonya at kapanalig ng mga bansang nasasangkot.2 Noong 1939, dalawang grupo ang umusbong: ang Axis powers, na pinangungunahan ng Alemanya, Japan, at Italya; at ang Allied powers, na pinangungunahan naman ng China, Pransya, Unyong Sobyet, Inglatera, at Estados Unidos.3 Ninais ng Axis powers na palitan ang umiiral na pandaigdigang kaayusan ng isang bagong imperyo; nilayon naman ng Allied powers na ipagtanggol ang umiiral na kaayusan ng mga bansa at palakasin ang kanilang alyansa laban sa Axis.4 Nagsimula ang digmaan sa Europa matapos lusubin ng mga puwersang Aleman ang Poland noong Setyembre 1939. Nagwakas ito matapos ang halos anim na taon, noong 1945, sa pagsuko ng mga opisyal na Aleman noong Mayo at pagkatapos ay mga opisyal na Hapon noong Setyembre.