1. Anong bansa sa Europa ang nanguna sa pagtuklas, paggalugad at pananakop sa Pilipinas? *
A. Espanya
B. Alemanya
C. Italya
D. Portugal
2. Ang pinakamatagumpay sa mga layunin ng mga Espanyol sa pagsakop ng Pilipinas ay ang _____________________. *
A. Pampulitika
B. Pangkabuhayan
C. Pangrelihiyon
D. Pang-edukasyon
3. Ito ay tumutukoy sa tuwirang pananakop ng isang makapangyarihang bansa sa ibang lupain upang isulong ang pansariling interes nito. *
A. Kolonyalismo
B. Imperyalismo
C. Nasyonalismo
D. Merkantilismo
4. Sino ang nanguna sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa ating bansa? *
A. pinunong Espanyol
B. misyonerong Espanyol
C. sundalong Espanyol
D. katutubong bininyagan
5. Ano ang maaaring mangyari sa mga Pilipino kung hindi nila dala ang Cedula? *
A. igagawa ng bagong Cedula
B. palalagpasin at papatawarin
C. pagmumultahin at ikukulong
D. bibigyan ng magandang pabuya
6. Itinuturing ang patakarang ito bilang administratibong yunit para sa koleksyon ng buwis *
A. Reduccion
B. Encomienda
C. Bandala
D. Polo Y Servicio
7. Kaninong ekspedisyon ang itinuturing na makasaysayan sapagkat nagbigay-daan sa pagkakatuklas ng maraming lupain? *
A. Ferdinand Magellan
B. Miguel Lopez de Legaspi
C. Andres de Urdaneta
D. Ruy Lopez de Villalobos
8. Ang mga sumusunod ay mga layunin ng Espanya sa pananakop sa Pilipinas MALIBAN sa isa. *
A. God
B. Gold
C. Gift
D. Glory
9. Paano pinahahalagahan ng mga Pilipino ang pagbibinyag? *
A. Pagdarasal bago at pagkatapos kumain
B. Pagdarasal sa simbahan tuwing kapistahan
C. Pag-iisang dibdib ng lalaki at babae sa simbahan
D. Pagkapanganak sa isang sanggol ay dinadala na ito sa simbahan
10. Ang sapilitang paggawa ay isang uri ng pagbubuwis na pinairal noong panahon ng pananakop ng Espanyol sa ating bansa. Ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng _____________________. *
A. Pagbabayad ng bahagi ng ani mula sa lupang sinasaka
B. Pagbabayad ng 10 porsyento na kita sa nangangailangan.
C. Pagbabayad ng pera na kinuha sa bahagi ng kita ng kalalakihan
D. Pagpapatrabaho sa mga lalaki sa polo sa loob ng 40 araw bawat taon
11. Ano ang isa sa mga DAHILAN ng pagpapatupad ng Reduccion sa mga sinaunang Pilipino? *
A. Makatipid sa transportasyon
B. Hindi sila mapapagod sa paglalakbay
C. Mapadali ang paraan ng paghahanapbuhay
D. Maging madali sa mga prayle ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo
12. Sa iyong palagay, ano ang nag-udyok sa mga Espanyol na gamitin ang taktikang divide and rule sa pagsasailalim sa Pilipinas? *
A. Napansin nilang may kani-kaniyang batas at pinuno ang mga katutubo na tangi nilang pinaniniwalaan at pinagkakatiwalaan.
B. Nahirapan silang buwagin ang ugnayan ng mga katutubo sa isa’t isa.
C. Nagkakaisa ang mga katutubong Pilipino bilang isang bansa.
D. Matatapang at malalakas ang puwersa ng mga katutubo
13. Alin sa sumusunod ang naging epekto ng pagbabagong politikal sa Pilipinas. *
A. Naging makatao ang mga opisyal ng Espanya.
B. Pinagkatiwalaan ng matataas na posisyon ang mga katutubo.
C. Pantay pantay ang pagtingin ng mga Espanyol sa mga katutubo
D. Hindi pinagkakatiwalaan ang mga Pilipino sa mataas na posisyon.
14. Alin sa sumusunod ang HINDI naging epekto ng pagbabagong politikal sa Pilipinas. *
A. Naging mapang-abuso ang mga opisyal.
B. Hindi naging pantay ang pagtrato sa mga katutubo.
C. Napagtibay ang pagkakaisa ng mga Espanyol at katutubo.
D. Hindi pinagkakatiwalaan ang mga Pilipino sa mataas na posisyon.
15. Ang mga sumusunod ay naging epekto ng pananakop ng Espanya sa Pilipinas, maliban sa isa. *
A. Naging pantay pantay ang pagtingin ng Espanyol sa mga katutubo.
B. Napalaganap ang Kristyanismo
C. Nakontrol ng Espanya ang likas na yaman ng Pilipnas
D. Napasa ilalim ng pamahalaang Espanyol ang Pilipinas.
tama sana sagot nyo plsss
Share
Answer:
1.A
2.B
3.A.
4.B
5.C
6.A
7.A
8.D