1. Anumang gawain ay gumagaan kapag sama-sama sa paggawa.
Ang pangungusap na ito ay _____.
A. hugnayan B. padamdam C. payak D. tambalan
2. Nasa _____ ayos ang pangungusap kung nauuna ang panaguri sa
simuno.
A. di-karaniwang C. maling
B. karaniwang D. tamang
3. Aling pangungusap ang nagpapakilala ng isang produkto?
A. Naligo ako nang maaga.
B. Sumama ako kay Inay sa palengke.
C. Sa Olive Shampoo, ang kintab ng buhok ko!
D. Dumating ang mga panauhin namin galing probinsya.
4. Ito ang pangungusap na nagsasaad ng matinding damdamin.
A. padamdam B. pasalaysay C. patanong D. pautos
5. Ang pangungusap na patanong ay nagtatapos sa _____.
A. . B. , C. ! D. ?
6. Alin sa mga sumusunod ang pangungusap na tambalan?
A. Kumusta ka na?
B. Malungkot ang nag-iisa.
C. Siya ay kumakain at ako ay nagluluto.
D. Si Mang Tino ay nagluluto habang nakikinig ng radyo.
7. Nagtatanim siya ng halaman samantalang _____. Ano ang
maaaring idugtong mo upang maging tambalang pangungusap?
A. mainit
B. siya’y masipag
C. ako’y nagdidilig
D. upang may makakain siya
8. Ito ay nasa di-karaniwang ayos ng pangungusap.
A. Ang mga kabataan ay abalang-abala sa kanilang mga modyul.
B. Mag-uusap lang tayo gamit ang telepono.
C. Narinig ni Nanay ang ating pinag-usapan.
D. Malapit na tayong magkikita muli.
9. Ito ay pangungusap na nagkukuwento o nagsasalaysay.
Nagtatapos ito sa tuldok (.).
A. padamdam B. pasalaysay C. patanong D. pautos
10. Pakikuha nga ng isang basong tubig. Ito ay _____.
A. padamdam B. pakiusap C. pasalaysay D. patanong
Share
1 Replies