1. Bumili ng gamot si Ivy upang mabawasan ang pananakit at pamamaga ng kanyang tuhod. Nang gagamitin na niya naghahanap siya ng mga pasubali o paalala sa pabalat nito. Di niya malaman kung ito ay iniinom o ipinapahid sa balat. Nagbalik siya sa tindahan at pinapalitan niya ang gamot, ngunit ayaw pumayag ng tindera. Anong karapatan ng mamimili ang nalabag sa sitwasyong ito (maaaring higit sa isa ang iyong kasagutan)? telebisyon
Share
Verified answer
KARAPATAN NG MAMIMILI
Sagot: Karapatan sa kaligtasan at karapatan sa patalastas o tamang impormasyon
Bilang mamimili karapatan ni Ivy na ibalik ang kanyang pinamili sa tindahan dahil maari siyang mapahamak kung kanyang gagamitin ang produkto dahil hindi niya alam kung ito ay pinapahid o iniinom. Nawala din ng karapatan si Ivy na magkaroon ng tamang impormasyon dahil hindi ito pinaliwanag ng tindahan sa kanya bago niya ito bilihin at wala din itong pasubali o pabalat kaya nilabag din ng tindahan ang karapatan sa patalastas o tamang impormasyon.
MGA KARAPATAN NG MGA MAMIMILI
1. Karapatan sa mga pangunahing pangangailangan.
2. Karapatan sa kaligtasan
3. Karapatan sa patalastas o tamang impormasyon
4. Karapatan sa pagpili
5. Karapatang dinggin
6. Karapatang mabayaran at matumbasan sa anumang kapinsalaan.
7. Karapatan na maturuan tungkol sa pagiging matalinong mamimili.
8. Karapatan sa isang malinis na kapaligiran.
#LetsStudy