___1. Huwarang babae kung ituring ang mga babaeng may paninindigan. Anong uri ng pang-
ugnay ang ginamit sa pangungusap?
A. Pang-abay B. Pang-angkop
C. Pangatnig D. Pang-ukol
__2. Alinsunod sa kanilang tradisyon, ang hindi pag-aasawa ang
pinakamalaking kasalanang magagawa ng isang babaeng Muslim. Anong uri ng pang-
ugnay ang ginamit sa pangungusap?
A. Pang-abay B. Pang-angkop
C. Pangatnig D. Pang-ukol
__3. Wala akong iniisip gabi't araw kundi ang makagawa ng paraang malabanan ang mga
lumang tradisyon namin. Anong uri ng pang-ugnay ang ginamit sa pangungusap?
A. Pang-abay
B. Pang-angkop
C. Pangatnig
D. Pang-ukol
__4. Paano nga ba hindi magkakaganoon, kung tila ginawa lamang para sa lalaki ang mga
batas. Anong uri ng pang-ugnay ang ginamit sa pangungusap?
A. Pang-abay B. Pang-angkop
C. Pangatnig D. Pang-ukol
__5. Sa wakas, nakita kong muli ang mundo sa labas nang ako'y maglabing-anim na taon.
Anong uri ng pang-ugnay ang ginamit sa pangungusap?
A. Pang-abay B. Pang-angkop
C. Pangatnig D. Pang-ukol
__6. Mga pang-ugnay na itinuturing sa wikang Filipino maliban sa_____.
A. Pang-abay
B. Pang-angkop
C. Pangatnig
D. Pang-ukol
__7. Alinsunod sa batas, bawal ang illegal na pagpuputol ng mga puno sa kabundukan.
Anong uri ng pang-ugnay ang salitang may salungguhit?
A. Pang-abay B. Pang-angkop
C. Pangatnig D. Pang-ukol
__8. Ito ay ang mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan.
A. Pang-abay B. Pang-angkop
C. Pangatnig D. Pang-ukol
__9. Ito ay ang bahagi ng pananalita na nag-uugnay sa pangngalan, pandiwa, panghalip, o
pang-abay sa iba pang mga salita sa loob ng pangungusap.
A. Pang-abay B. Pang-angkop
C. Pangatnig D. Pang-ukol
__10. Ito ay ang bahagi ng pananalita na nag-uugnay sa dalawang salita, sugnay, parirala, o
pangungusap.
A. Pang-abay B. Pang-angkop
C. Pangatnig D. Pang-ukol
Share
Answer:
1.b
2.d
3.c
4.c
5.d
6.b
7.d
8.b
9.d
10.c
Explanation:
yan na po