1. Isa sa mga katangiang maipagmamalaki nating mga Pilipino ay ang mabuti nating
pagtanggap sa mga panauhin. Kapag ang isang pamilya ay may inaasahang
panauhin, bawat isa ay abala sa paghahanda. Sila’y naglilinis at nag-aayos ng
kabahayan. Nagluluto ang pamilya ng masarap na pagkain at naghahanda ng
maraming prutas at inumin. Pinagkakaabalahan din nila kung ano ang maipauuwing
pasalubong ng panauhin.
A. Ang mga Bisita
B. Ang Mabuting Pagtanggap sa Bisita
C. Katangiang Pilipino
2. Ang niyog o cocos nucifera ay may karaniwang na taas na 6 na metro o higit pa.
natatangi sa lahat ng puno ang niyog sapagkat bawat bahagi nito ay maaring maging
sangkap sa paggawa ng sabon, shampoo at iba pa.
A. Ang Gamit ng Niyog B. Ang Niyog C. Produkto ng Niyog
3. Ang Kawanihan ng Rentas Internas o Bureau of Internal Revenue ( BIR ) ay ang sangay
ng pamahalaan na namamahala sa pangongolekta ng buwis ng mga mamamayang
may hanapbuhay, Bawat manggagawang Pilipino ay may tungkuling magbayad ng
kaukulang buwis. Ang buwis na ibinabayad ang siyang ginagamit na pond ng
pamahalaan sa pagpapaganda at pagpapaunlad ng ating bansa.
A. Ang Kawanihan ng Rentas Internas
B. Ang Rentas Internas
C. Magbayad ng Buwis
ARALIN 10 : Nakapagbibigay ng angkop na pamagat sa isang talata at
tekstong napakinggan F5PB-Ig-8 F5PN-Ih-17
GAWAIN 1
4. Maaga pa ay gising na ang lahat ng tao sa tahanan nina Mang Elias at Aling Lita.
Bawat isa ay abala sa kanilang ginagawang paghahanda. Masasarap ang mga
pagkaing nakahanda sa hapag. Napapalamutian ng magagandang disenyo ang
kapaligiran at naggagandahan ang kanilang mga suot na damit. Ito ang pinaka
espeyal na araw ng kanilang bunsong anak. Ito ang araw ng kasal ni Malia.
A. Ang paghahanda B. Ang Kasal ni Malia C. Sina Mang Elias at Aling Lita
5. May ibat – ibang kahulugan ang mga kulay. Ang asul ay nangangahulugan ng
kapayapaan at ang pula ay katapangan samantalang ang puti ay kalinisan. Pag-ibig
naman ang kahulugan ng kulay rosas at paninibugho naman ang dilaw. Kasaganahan
naman ang berde at kalungkutan ang itim, Tunay ngang marami kahulugan ang mga
kulay.
A. Ang Kulay B. Ang mga Kulay at kahulgan C. Makulay ang Mundo
Share
Answer:
1,a
2,c
3,b
4,a
5,c
Explanation:
sana makatulong