1. Isang plano ng mga maharlika na nauugnay sa kamag-anak, o mga datu ng Maynila at ilang bayan ng Bulacan at Pampanga
.
2 Ang mga Ilokano, Ibanag at ang iba pa ay naglunsad rin ng pag-aaklas, dahil na rin sa mga pagmamalabis ng mga conquistadores
Share
Answer:
1.Pagsasabwatan ng Maharlikas (1587–1588)
Ang Pagsasabwatan ng Maharlikas, o ang Tondo Conspiracy, noong 1587–1588,
ay isang plano ng mga maharlika na nauugnay sa kamag-anak, o mga datu ng Maynila at
ilang bayan ng Bulacan at Pampanga. Pinamunuan ito ni Agustin de Legazpi, pamangkin
ni Lakandula, at ang kanyang unang pinsan, si Martin Pangan. Sumumpa ang mga datu
na maghimagsik. Nabigo ang pag-aalsa nang hatulan sila sa awtoridad ng Espanya ni
Antonio Surabao ng Calamianes, sa Palawan.
2.Cagayan at Dingras
Ang Cagayan at Dingras Revolt ay laban sa pagbabayad ng tributo ng mga Pilipino
sa lalawigan ng Cagayan at ng Ilocos Norte noong 1589. Ang mga Ilokano, Ibanag at ang
iba pa ay naglunsad rin ng pag-aaklas, dahil na rin sa mga pagmamalabis ng mga
conquistadores na nananakit at nang-aabuso sa mga Pilipino bukod pa sa pagbabayad
ng mataas na buwis.