_____1. Ito ay nangangahulugang dominasyon ng isang makapangyarihang nasyonestado sa aspetong pampolitikal, pangkabuhayan, at kultural na pamumuhay ng mahina at maliit na nasyon-estado upang maging pandaigdigang makapangyarihan.
A. Imperyalismo B. Kapitalismo C. Kolonyalismo D. Nasyonalismo
_____2. Ito ay transpormasyon mula sa manwal na paggawa sa mga kabukiran sa pagimbento ng mga bagong makinarya. A. Kapitalismo B. Mekatilismo C. Rebolusyong Industriyal D. Rebolusyong Teknikal
_____3. Ito ay isang patakaran ng isang bansa na mamahala ng mga sinakop upang magamit ang mga likas na yaman ng mga sinakop para sa sariling interes.
A. Imperyalismo B. Kolonyalismo C. Mandato D. Protectorate
_____4. Ito ay uri ng pananakop na kung saan direktang kinokontrol at pinamamahalaan ng imperyalistang bansa ang kanyang sakop. Hal. EnglandIndia.
A. Colony B. Imperyalismo C. Protectorate D. Relihiyong Kristiyanismo
_____5. Ayon sa mga Kanluranin, sila ay may katungkulan na turuan at paunlarin ang kanilang mga sakop na bansa. Ito ang nagbigay-katuwiran sa kanila sa pananakop sa Asya.
A. Manifest Destiny B. Nasyonalismo C. Protectorate D. White Man’s Burden
_____6. Ang Holocaust ay tumutukoy sa dramatikong pagpatay sa mga Hudyo ng mga Nazi German. Ang pag-uwi naman ng mga Hudyo sa lupaing Pangako, o Palestina, ay kilala sa katawagang
A. Balfour Declaration C. Sistemang Mandato B. Sistemang Colony D. Zionism
_____7. Si Ayatollah Khomeini ay naging lider ng bansang Iran, habang si _________________ naman ang kinilala bilang “Ama ng Turkey”. A. Ibn Saud C. Mohandas Gandhi B. Jawaharlal Nehru D. Mustafa Kemal Ataturk
_____8. Si Mustafa Kemal Ataturk ay isang dakilang lider ng bansang Turkey, samantalang si Ibn Saud naman ang siyang naging unang hari ng bansang ___. A. China C. Pakistan B. India D. Saudi Arabia
_____9. Naging pinuno ng bansang Pakistan si Mohamed Ali Jinnah, habang ang naging unang pangulo naman ng bansang India ay si _______.
A. Jawaharlal Nehru C. Mohandas Gandhi B. Mohamed Ali Jinnah D. Mustafa Kemal Ataturk
_____10. Ang Sistemang Colony ay tumutukoy sa tuwirang pamamahala ng isang malakas na bansa sa isang mahinang bansa. Sa ___________ naman, ang mahinang bansa ay nakapasailalim sa pamamatnubay ng isang malakas na bansa habang ito ay naghahanda sa pagsasarili.
A. Aggressive Nationalism C. Protectorate B. Defensive Nationalism D. Sistemang Mandato
_____11. Bakit mas pinili ng nakararaming bansa sa Asya ang Demokrasya kaysa Komunismo?
A. Nais ng pamahalaan na makuha ang simpatya ng mga mamamayan nito.
B. Dahil higit na pinahalagahan ng mga bansa ang pagkilala sa kalayaan at karapatan ng tao.
C. Dahil kakaunti lamang ang bilang ng tao sa bansa nila
_____12. Kailan nagiging epektibo ang demokrasya sa isang bansa?
A. Kapag ginagawa ng tao ang kanyang tungkulin sa bayan at sinusunod ang mga batas.
B. Kapag ginagamit ng husto ng tao ang kanyang kalayaan at karapatan.
C. Kapag marami ang likas na yaman ng bansa.
_____13. Kailan natatapos ang karapatan at kalayaan ng tao?
A. Kapag umaabuso na siya. B. Kapag kinilala niya ang karapatan at kalayaan ng ibang tao.
C. Kapag sumali sa kilos protesta laban sa gobyerno
______14. Ito ay ang di-tuwirang pananakop sa isang bansang malaya na may mahinang ekonomiya na umaasa sa isang makapangyarihang bansa.
A. Ekonomiya C. Kolonyalismo B. Industriya D. Neokolonyalismo
______15. Ang tawag sa pinakamahalagang sinaunang ruta kalakalan na nag uugnay sa mga bansang tulad ng China, Gitnang Asya, Persia, Kanlurang Asya at Europe.
A. Caravanroute B. Kolonyalismo C. Kalakalan D. Silkroute
______16. Ang tawag sa mga bansang kabilang sa madalas na nakararanas at mayroong mahinang ekonomiya. A. Barter C. Money Economy B. First World D. Third World
_______17. Siya ang nakipagkasundo sa Arabian American Oil Company para sa 50% kita ng nasabing kompanya para maibigay sa Saudi Arabia upang mapataas ang kita ng bansa
A. Haring Ibn Saud B. Harry S. Truman C. Shah Reza D. Yasser Arafat
_______18. Ang tawag sa anumang transaksiyong nagaganap sa pagitan ng dalawang tao o bansa na kabilang sa isang pamilihan.
A. Barter B. Caravanroute C. Kalakalan D. Import
_______19. Ito ay isang simpleng uri ng pakikipagkalakan na hindi nakabatay sa salapi.
A. Barter B. Caravanroute C. Kalakalan D. Import
_______20. Siya ang namumuno na tumulong sa pang-ekonomiya at pangmilitar na pakikipagkasundo sa United States.
A. Haring Ibn Saud B. Harry S. Truman C. Shah Reza D. Yasser Arafat
Share
0 Replies