1. Ito ay tumutukoy sa pinangyarihan ng kwento.
2. Ito ay isang grapikong pantulong na nagpapakita ng pagkakasunod-sunod
ng mga pangyayari sa pamamagitan ng linya.
3. Ito ay isang pagpapahayag na maaaring pasalita o pasulat ng iba't ibang
kaalaman. Ito ay bunga ng isang masusing pag-unawa sa mga pangyayari at detalya sa napanood.
4. Ito ay ang pananaw ng isang tao na maaaring totoo. Isa rin itong paniniwala
batay sa obserbasyon at eksperimento
5. Ito ay isang larangan na sinasakop ang mga gumagalaw na larawan bilang
isang anyo ng sining o bilang bahagi ng industriya ng libangan.
6. Ito ay tumutukoy sa mga panauhin sa kuwento. Ang mga tauhan ang
gumaganap at nagbibigay ng buhay sa takbo ng kwento.
7. Ito ay isang grapikong pantulong na nagpapakita ng pagkakasunod-sunod ng
mga pangyayari sa pamamagitan ng linya.
8. Ito ay isang uri ng pagpapahayag na maaaring pasalita o pasulat na may
layuning magkwento ng mga pangyayari
9. Ito ang mga detalye lamang ang binabanggit at hinihinuha o inilalarawan
lamang ang pook at panahon.
10. Sila ang mga pangunahing tauhan o bida.
11. Ito ay kung tiyakang sinasabi ang pangalan ng lugar at panahon.
12. Sila ang mga kalaban o kontrabida na pantapat na tauhan sa protagonista.
13. Sila ang mga karaniwang hindi gaanong napapansin ngunit mahalaga sila sa
pagpapalutang ng katangian ng pangunahing tauhan.
14. Ito ay naglalahad ng mga ideya o impormasyon na napatunayan na at
tinanggap ng lahat na ito ay totoo.
15. Ito ay ginagamit para pag-ugnayin ang mga panuring at mga salitang
binibigyan nito ng turing.
Share
Answer:
pangyayari
Explanation: