1. Magaganda at mababango ang mga bulaklak. Ano ang anyo o
kayarian ng pangngalang bulaklak?
A. inuulit
B. maylapi
C. payak
D. tambalan
2. Naglalaro ng bahay-bahayan ang mga batang babae at lalaki.
Alin sa mga sumusunod ang may anyong inuulit?
A. bahay-bahayan
C. babae
B. bata
D. lalaki
1. Ang magkaibigan ay palaging nagdadamayan. Ano ang kailanan ng pangngalang sinalungguhitan?
A. isahan C. maramihan B. dalawahan D. wala sa nabanggit
4. Ang mga ibon ay masayang umaawit sa itaas ng punong-kahoy. Ano ang kailanan ng pangngalang may salungguhit?
A. isahan C. maramihan B. dalawahan D. wala sa nabanggit
5. Ipinahayag ni Pangulong Duterte na ang Cebu City ay manatili sa Enhanced Community Quarantine (ECQ). Anong pananda ng pangngalan ang ginamit upang ipakilala si Pangulong Duterte? A. ang B. na C. ni D. si
6. Takipsilim na nang dumating si Mang Damian mula sa bukid. Ano ang kayarian ng pangngalang may salungguhit.
A. inuulit B. maylapi C. payak D. tambalan 7. Siniguro ng buong pamilya ang kalinisan ng kanilang paligid. Ano ang kayarian ng pangngalang kalinisan?
A. inuulit B. maylapi C. payak D. tambalan 8. Ano ang kailanan ng pangngalan sa pangungusap? Dalawang aso ang alaga ng pamilyang Valdez.
A. isahan C. maramihan B. dalawahan D. wala sa nabanggit
9. Basahin ang bahagi ng tula. Anong mga salita sa tula ang magkatugma? “Ako’y may alaga, asong mataba Buntot ay mahaba, makinis ang mukha”
A. alaga – aso C. makinis - mukha B. buntot-mahaba D. mataba - mukha
10. Alin ang angkop na salitang gagamitin sa pahayag? Ang hardinero ay kumuha ng apat na _________ upang taniman ng halaman.
A. paso B. pasô C. pasó D. pàso
Share
Answer:
number 2 yata ay letter a