1. Maipapakita ang tunay na paggalang sa sariling buhay at kapwa sa pamamagitan ng: A. Pag-aalaga sa sariling katawan upang di magkasakit B. Pangaralan ang kaibigan na nalulong sa bisyo upang magbago C. Hayaan ang mga kaibigan na magdesisyon sa kung ano ang tama dahil buhay nila yan D.Magsikap sa pag-aaral upang magtapos at maglaan ng oras upang tumulong sa kapwa.
2. Alin sa mga sitwasyon ang makapag-pababa sa dignidad ng tao?
A. Kapag siya ay naging masamang tao
B. Kapag hindi siya nakikinig sa ibang tao
C. Sa oras na nakalimutan ng kapwa ang kanyang pagkatao
D. Kung patuloy kang tumulong sa mga taong di tumulong sa sarili
3. Paano mapananatili ang mataas na antas ng dignidad ng tao?
A. Kumilos bilang kagalang-galang na indibidwal.
B. Panatilihin ang kabutihan sa sarili at sa kapwa upang laging
makuha ang paggalang ng kapwa.
C. Palaging iangkop ang sarili sa pangkat na kinabibilangan upang
maging karapat-dapat sa kanilang pagkilala.
D. Isabuhay ang pagpapahalaga hindi sa kung anong ari-arian
mayroon kundi sa karangalan bilang tao.
4. Ano ang pinakamahalagang maitutulong ng pagkakaroon ng dignidad sa
tao?
A. Magiging malaya ang tao na ipakita ang kanyang totoong sarili.
B. Mapananatili ang damdamin ng pagmamalaki sa lahat ng tao.
C. Masisiguro na magagawa ng tao ang lahat ng kanyang nais nang
walang pag-aalinlangan.
D. Ang lahat ay nagkakaroon ng karapatan na umunlad sa paraang
hindi makasasakit o makasasama sa ibang tao.
5. Ano ang iyong mararamdaman kung nakikita mo ang iyong amang
lasing na lasing at nakahiga na sa kalsada? Bilang anak, ano ang dapat
mong gawin?
A. Mahiya, kaya hayaan ko nalang siya sa daan
B. Maawa, tawagin ang mga kapatid at tulungan ang amang makauwi
C. Wala lang, Karapatan naman niyang gamitin ang perang kanyang
pinagtatrabahoan
D. Magalit, tumawag ng pulis at ipadampot ang ama upang magtanda
at maging matino na
Share
Answer:
1.D
2.A
3.D
4.D
5.B
Explanation:
Sana makatulong na po ito☺️