1. Malaki ang nagbago sa paniniwalang panrelihiyon ng mga katutubong
tumanggap ng Kristiyanismo. Alin dito ang HINDI kasama sa pagbabago?
A. nagkaroon ng piyesta
B. nagpatayo ng mga simbahan
C. pinalitan ng mga pari ang mga babaylan
D. pagpuputol ng mga puno upang mapa-alis ang mga espiritu
2. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI totoo sa pagpapatupad ng
Kristiyanisasyon?
A. nagtatag ng mga diocese
B. nagtalaga ng isang pari sa parokya
C. nagmimisyon ang mga paring Espanyol sa ibat ibang lugar
D. mga babae pa rin ang mga namuno sa mga panrelihiyong pagtitipon.
3. Ang mga parangal sa mga santo ay isang rituwal na nakaugalian ng mga
katutubo na ipinagpatuloy ng mga Espanyol upang ____________.
A. makalikom ng mga buwis
B. makakuha ng mga pagkain
C. matupad ang kagustuhan ng hari ng Espanya
D. makuha nang lubusan ang tiwala ng mga katutubo
4. May mga reaksiyon ang mga Pilipino tungkol sa relihiyong
Kristiyanismo. Alin dito ang HINDI kasama?
A. Marami ang nagnais na makabalik sa dating relihiyon.
B. Nasa apat na sulok lamang ng bahay ang lugar ng mga kababaihan
C. Pinaasa ang mga tao sa tiyak na kaligtasan sa kabilang buhay kung
gumagawa ng kabutihan habang nabubuhay.
D. Ang lahat ng mga katutubo ay kontento at sunud-sunuran sa mga
ipinapagawa ng mga mananakop.
5. Ang dasalan ng mga katutubo ay walang tiyak na lugar, samantalang sa
Kristiyanismo ay may tiyak na lugar na kung tawagin ay ______.
A. bahay B. bulwagan ` C. palengke D. simbahan
6. Bumaba ang katayuan ng mga kababaihan sa lipunan. Alin dito ang HINDI nagbigay ng patunay sa usaping ito?
A. Mga babaylan ang nagmimisa sa mga simbahan.
B. Ang mga babae ay tagalagay ng mga palamuti sa simbahan.
C. Pari o mga kalalakihan ang namuno sa mga pagtitipong panrelihiyon.
D. Ang lugar ng mga kababaihan ay nasa apat na sulok lamang ng bahay.
7. Ipinahiwatig sa mga aral ng Kristiyanismo na kung tayo ay gagawa ng kasamaan habang nabubuhay pa ang kaluluwa natin ay mapupunta sa_____.
A. impiyerno B. langit C. purgatoryo D. sementeryo
8. Marami ang yumakap sa Kristiyanismo at sumunod sa ______ utos ng Panginoon.
A. 7 B. 8 C. 10 D. 15
9. Mahalaga ang papel ng simbahan sa Kristiyanisasyon dahil gumamit sila ng ______.
A. bibliya B. espada C. krus D. relihiyon
10. Sino ang tinutukoy na Fray Botod? Mga_____
A. anito B. babaylan C. conquistador D. prayleng abusado at masiba
Share
Answer:
paano ba to Di ko Kasi alam to