1. May nadaanan kang isang bata na binubugbog ng isang pangkat ng kabataan habang ika’y papauwi. Ano ang gagawin mo?
A. tulungan ang bata at magpabugbog na rin
B. bumalik sa paaralan at sabihin sa guro ang nakita
C. sumigaw nang malakas para makuha ang atensyon nila
D. hayaan nalang sila dahil hindi mo naman kakilala ang bata
2. Narinig mo na pinapaliban sa klase ng kanyang ina ang iyong kaklase dahil pinapabenta ito ng bulaklak sa may simbahan. Ano ang gagawin mo?
A. Ayokong makialam, problema nila yun.
B. Hayaan ko na lang na palibanin siya sa klase.
C. Pagsasabihan ko na sundin ang kanyang ina.
D. Pagsabihan ko na hindi tama na lumiban sa klase.
3. Inutusan ng iyong guro ang isang kaklase mo na masama ang pakiramdam ngunit nahihiya siyang sabihin ito. Paano mo siya matutulungan?
A. hindi makialam sa pangyayari
B. hayaan ang kaklase na maglinis
C. huwag sabihin sa guro ang totoong sitwasyon ng kaklase
D. sabihin sa guro ang kalagayan ng kaklase at magboluntaryong maglinis
4. Lumiban ang iyong kaklase dahil sumakit ang kanyang tiyan. Gusto niyang humiram sa iyong kwaderno. Ano ang dapat mong gawin?
A. Ipahiram ito sa kaklase.
B. Magkunwaring walang narinig.
C. Sabihing nawala ang iyong kwaderno.
D. Magkunwaring lumiban ka rin sa klase.
5. Namatay ang ama ng iyong kamag-aral. Paano mo maipadama ang iyong pagtulong sa naiwang pamilya?
A. Wala kang pakialam sa nangyari.
B. Pupunta ka sa lamay at makikain lang.
C. Hikayating magbigay ng abuloy ang mga kaklase.
D. Umiyak kasama ang iyong namatayang kamag-aral.
6. Ano ang dapat gawin sa iyong kapwa na may sakit ngunit nag-iisa na lang sa buhay?
A. tutulungan
C. pababayaan
B. sisigawan
D. pagtatawanan
7. Ano ang dapat na pag-uugali ang iyong ipapakita habang inaalagaan mo ang maysakit?
A. kabaitan
C. katapangan
B. kasungitan
D. kalituhan
8. Ano ang gagawin sa matanda na hirap tumawid sa daan?
A. Pabayaan ko siya.
C. Sabihan kung kailan tatawid.
B. Sisigawan ko siya.
D. Itawid sa daan na kasama ako.
9. Paano aalagaan ang maysakit?
A. may pagsisisi
C. may pagmamahal
B. may pagdududa
D. may pag-aalinlangan
10. May nakita kang batang umiiyak malapit sa bahay ninyo. Alin sa sumusunod ang dapat mong gawin?
A. Bahala siya sa buhay niya.
C. Sabihin sa iyong mga magulang.
B. Hayaan na lamang ang bata.
D. Tingnan na lamang ang batang umiiyak.
11. Kung may nag-aaway na mga kaklase mo, kanino ka unang lumapit?
A. guro
C. magulang
B. kapatid
D. punong-guro
12. Sa gitna ng paghahabulan, nadapa ang kaklase mo at bahagyang nasugatan ang
kanyang tuhod. Paano mo siya matutulungan?
A. Hahayaan ko siya
B. Tatawag ng ambulansya
C. Dadalhin ang kamag-aral sa ospital
D. Tutulungan siyang pumunta sa “school clinic”
13. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng higit na pagmamahal sa kapwa?
A. Pagbibigay ng regalo sa nanalo sa eleksiyon.
B. Pagbibigay ng mga pangangailangan ng mga kapansanan.
C. Pagbibigay ng gantimpala sa mga nagwagi sa beauty contest.
D. Pagdaraos ng salu-salo para sa mga nakatapos sa ikalimang baitang.
14. Dapat nating isaisip na ang pagmamalasakit sa kapwa tulad ng pagsumbong sa mga
magulang na sinasaktan ang kanilang anak ay nagpapakita ng ___________
A. pagpapakitang-tao
B. pagpapasikat sa mga tao
C. pagtulong sa mga nangangailangan
D. pagpabaya sa mga nangangailangan
15. Upang hindi makasakit sa damdamin ng kapwa, aling kasabihan ang dapat maging
gabay natin?
A. Kung may isinuksok, may madudukot.
B. Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo.
C. Ang lumakad ng matulin, kung matinik ay malalim.
D. Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin ng iba sa iyo.
16. Sino sa sumusunod ang dapat na tularan?
A. Ginagaya ni Elena ang kaklaseng may polyo.
B. Tinutulungan ni Larry ang kaibigan na may kapansanan.
C. Kinukutya ni Cindy si Shiena na hindi marunong bumasa.
D. Pinagtatawanan ni Rey ang kaklaseng may malaking piklat.
17. Kanino ka lalapit kung sa palagay mo ay binubully ka ng iyong kaklase?
A. guro C. kaklase
B. nanay D. punong-guro
18. Ang sumusunod ay mga dahilan kung bakit dapat iwasan ang pangbu-bully, maliban sa
isa. Upang ___________________
A. hindi rin makutya C. hindi makasakit sa kapwa
B. makaiwas sa gulo D. magkaroon ng maraming kaibigan
19. Sino sa sumusunod ang nangbu-bully?
A. Si Ryan na inaalalayan ang kamag-aral na may kapansanan.
B. Si Marilou na nakipagkaibigan sa bagong lipat na kamag-aral.
C. Si Shiela na tinutukso ang kaklase kung hindi siya bibigyan ng papel.
D. Si Richard na tinulungan ang napaliban niyang kaklase na nagkasakit.
20. Ano ang dapat gawin sa mga batang nangbu-bully?
A. Pabayaan na lang at iwasan siya.
B. Ibu-bully rin kagaya ng ginawa niya sa iba.
C. Isumbong mo sa iyong matalik na kaibigan.
D. Ipadama mo sa kanya na hindi tama ang kanyang ginagawa.
Share
Answer:
1.A
2.D
3.D
4.A
5.C
6.A
7.A
8.D
9.C
10.C
Explanation:
PA BRAINLY PO
Answer:
needed points
Explanation:
thxz