1. Nagiging makabuluhan ang pagiging lider at tagasunod sa
pamamagitan ng sumusunod MALIBAN sa:
A. Pagkakaroon ng negatibong pag-iisip
B. Pagtataguyod na makamit ang layunin ng pangkat
C. Pagiging magalang at makatarungan sa pakikipag-ugnayan sa
iba
D. Pagiging tapat, maunawain, at pagpapakita ng kakayahang
impluwensyahan ang kapwa
2. Ang kakayahang ito ng ulirang tagasunod ay malilinang sa pamamagitan
ng pagkilala at pagpapalago ng pakikipag-ugnayan sa mga kasama sa
pangkat, iba pang samahan at sa mga namumuno:
A. Pakikipagkapwa
B. Mga pagpapahalaga
C. Kakayahan sa trabaho
D. Kakayahang mag-organisa
3. Ano ang nililinang ng isang tagasunod kung paiiralin niya ang isang
tamang konsensya na gagabay sa kaniya sa pagtupad ng kaniyang
mga gawain at pagpapaunlad ng pakikipag-ugnayan sa kapwa?
A. Pakikipagkapwa
B. Mga pagpapahalaga
C. Kakayahan sa trabaho
D. Kakayahang mag-organisa
4. Ang mga sumusunod ay sitwasyon na nagpapakita ng pagsasabuhay
sa kasanayan ng mapanagutang lider o tagasunod MALIBAN sa:
A. Nakikilahok si Joshua sa mga gawain ng kabataan sa kanilang
barangay
B. Naghihintay si Ana na kumilos ang kanilang lider kahit alam
niya ang gagawin
C. Ibinabahagi ni Carl ang kaniyang ideya at kaalaman tuwing
may gawain ang pangkat
D. Ginagawa ni Trina ang kanyang tungkulin bilang tagasunod
kahit walang nakatingin sa kanya
5.Ang Kakayahan ito ay malilinang sa pamamagitan ng pagsusumikap na maragdagan ang kanyang kagalingan sa paggawa upang maiangat ang buhay.
A.Pakikipagkapwa
B.Mga Pagpapahalaga
C.Kakayahan sa Trabaho
D.Kakayahan mag-organisa
6.Ang mga sumusunod ay mga mabuting naidudulot sa paggawa ng tungkulin ng isang mapanagutang lider o tagasunod MALIBAN sa:
A.Uunlad at magbabago
B.Lalago ang industriya
C.magkakaroon ng kapayapaan
D.Makakanya-Kanya sa pagkilos
7. Si Karla ay isang mag-aaral na gumagawa sa tungkuling ibinigay ng
kaniyang lider. Anong kasanayan ng isang ulirang tagasunod ang
isinasabuhay ni Karla?
A. Pakikinig at pag-unawa sa mga ideya ng kasapi
B. Pagsuporta sa mga kasapi at gawain ng pangkat
C. Pagtupad sa ibinigay na tungkulin at pagiging maaasahan
D. Kusang pagtulong sa ibang kasapi ng pangkat upang matapos
ang gawain
8. Magkakaroon ng kabuluhan sa lipunan ang buhay ng isang lider o
tagasunod kung.
A. isinasabuhay ang mga kasanayan
B. pinapaunlad ang mga katangian
C. ginagawa ang tungkulin
D. Lahat ng nabanggit
9. Habang pinamumunuan mo ang iba tungo sa pagbabago, nalilinang mo
rin ang iyong sarili na maging mabuting tao. Ang pahayag ay nagsasaad
na ang pagiging lider o tagasunod ay
A. magpapatatag sa samahan
B. magpapabago sa lahat ng bagay
C. magbibigay pasanin sa mga pangkat
D. magpapaunlad sa sarili at sa lipunan
Share
Answer: