1. Pagkakaisa ang Susi
Maagang pumasok sa paaralan ang magkakaklase dahil mayroong inaasahang bisita na
darating sa kanilang paaralan kinabukasan. Lita : Magandang umaga sa inyo Carlo, Ben at
Dindi. Kumusta kayo? Handa na ba kayo sa ating paglilinis?
Carlo : Magandang umaga rin sa iyo Lita, mabuti naman kami. Oo, handa na kami, tayo na
at magsimula na sa ating gawain!
Dindi : Magandang umaga rin sa inyo. Sige magpapagpag ako ng mga alikabok sa bintana
Lita: Ako naman ay magdidilig ng mga halaman
Carlo : Magwawalis naman ako ng mga kalat at tuyong dahon
Ben : Ako na ang bahala sa mga nakakalat na plastik at bote. Maaari nating ipunin at
ipagbili ang mga iyan at gamitin sa ating proyekto.
Lita Hayan, nahati na ang mga gawain, tayo na sa labas para makapaglinis na tayo.
Mga tanong
1. Sino-sino ang nag-uusap sa diyalogo?
2. Ano ang napansin mo sa usapan ng magkaklase?
3. Bakit naglilinis ang mga mag-aaral?
4. Ano ang magandang dulot ng pagtutulungan ng mga bata?
5. Kung ikaw ay isa sa mga mag-aaral, gagawin mo rin ba ang ginawa nila?
Non-Sense Answer - Report
Thank you In Advance stay safe and have a nice and great day
Share
Answer:
1. Lita, Ben, Carlo at Dindi
2. Nagtutulungan sila sa gawain at hati hati Ang gawain ng bawat isa.
3. Dahil may darating na bisita sa kanilang paaralan
4. Masayang samahan, naipapakita nila Ang pagtutulungan ng bawat isa, lahat ay nagkakaisa. Ang kanilang ginawa ay maari nilang maipamalas Ang kabutihang gawain.
5. Opo, dahil naipapakita ko Ang pagtulong ko kahit walang hinihinging kapalit.
Explanation:
SAna makatulong po :)))