1. Pinakatanyag na naging sultan ng Maguindanao:
2. Anak ng isang babaylan na namuno sa pag-aalsa sa samar:
3. Siya ang nagsagawa ng pinakamatagal na pag-aalsa sa bansa:
4. Mag-asawang namuno sa pag-aalsa sa ilocos:
5. Ito ang lugar na naging sentro ng pag-aalsang Agraryo:
6. Nanguna sa isang pag-aalsang panrelihiyon sa Tayabas:
7. Tawag sa mga sundalong mula sa India na kasama ng mga ingles patungo sa bansa na namamalagi sa Cainta at Taytay:
8. ibang tawag kay apolinario dela cruz:
9. produktong ipinatanim ng mga espanyol sa mga magsasakang Pilipino:
10. Mga katutubong nagpuslit ng mga tabako sa ilocos upang itinda sa pamahalaan:
Nonsense= Report
Share
1. Pinakatanyag na naging sultan ng Maguindanao: Sultan Kudarat
Si Sultan Kudarat ang pinakatanyag na naging sultan ng Maguindanao. Nagkaroon siya ng di karaniwang kapangyarihan nang maitatag niya nang matagumpay ang kumpederasyon ng mga sultan sa lalawigang ito na naglalayong palakasin ang kanilang puwersa laban sa mga Espanyol.
2. Anak ng isang babaylan na namuno sa pag-aalsa sa samar: Juan Ponce Sumuroy
Si Juan Ponce Sumuroy ay anak ng isang babaylan o kulturang "priestess" kaya't nakapagtatakang ang pag-aalsa na pinamunuan niya sa Samar ay may kinalaman sa katutubong relihiyon.
3. Siya ang nagsagawa ng pinakamatagal na pag-aalsa sa bansa: Francisco Dagohoy
Ang pag-aalsang pinamunuan ni Francisco Dagohoy sa lalawigan ng Bohol ay tumagal nang halos 85 taon. Ito ang pinakamatagal sa lahat ng naitalang pag-aalsa laban sa mga Espanyol. Nagsimula ito noong 1744 at nasupil lamang noong 1829.
4. Mag-asawang namuno sa pag-aalsa sa ilocos: Diego at Gabriela Silang
Pinamunuan ng mag-asawang Silang ang pag-aalsang ito sa lalawigan ng Ilocos na naglalayong alisin ang indulto de comercio o ang karapatan ng mga nasa gobyerno na magnegosyo, gayundin ang mapatalsik sa puwesto ang mga abusadong opisyal, at mapababa ang buwis.
5. Ito ang lugar na naging sentro ng pag-aalsang Agraryo: Katagalugan
Ang Katagalugan ang naging sentro ng mga ganitong uri ng pag-aalsa (agaryo) sapagkat sa mga lalawigang ito lamang matatagpuan ang hacienda ng mga prayle.
6. Nanguna sa isang pag-aalsang panrelihiyon sa Tayabas: Apolinario de la Cruz
Si Apolinario de la Cruz ay pinamunuan niya ang isang pag-aalsa sa pilipinas na may kinalaman sa pakikibaka para sa kalayaan sa relihiyon.
7. Tawag sa mga sundalong mula sa India na kasama ng mga ingles patungo sa bansa na namamalagi sa Cainta at Taytay: Sepoy
May ilang sundalong Indian na kilala bilang mga Sepoy ang kasama ng mga Ingles noon. Tumiwalag sila at namalagi sa Cainta, Rizal. Dahil dito, nagkaroon ng mga Indian sa Cainta at dito nanirahan hanggang sa mga sumunod na henerasyon.
8. Ibang tawag kay Apolinario de la Cruz: Hermano Pule
Si Apolinario de la Cruz na mas kilala bilang Hermano Pule ay ipinanganak sa baryo Pandác, Lucbán, Lungsod ng Tayabas.
9. Produktong ipinatanim ng mga espanyol sa mga magsasakang Pilipino: Tabako
Itinatag rin ni Basco ang monopolyo ng Tabako noong Marso 1, 1782 sa bansa. Tanging tabako lamang ang maaaring itanim sa mga lalawigan ng Cagayan, Nueva Ecija, Marinduque, at Ilocos.
10. Mga katutubong nagpuslit ng mga tabako sa ilocos upang itinda sa pamahalaan: Igorot
Sa simula pa lamang ay malaking problema na ang naidulot ng monopolyo ng tabako sa mga katutubo. Pinagsamalantalahan ang mga Pilipino at ginamit ang relihiyon upang sumunod sila sa mga kautusan ng pamahalaan.
Hope it helps! Give love, and love well
Sincerely, Areuminct
1. Pinakatanyag na naging sultan ng Maguindanao: Sultan kudarat
2. Anak ng isang babaylan na namuno sa pag-aalsa sa samar: Juan Ponce Sumuroy
3. Siya ang nagsagawa ng pinakamatagal na pag-aalsa sa bansa: Francisco Dagohoy
4. Mag-asawang namuno sa pag-aalsa sa ilocos: Gabriela Silang at Diego Silang
5. Ito ang lugar na naging sentro ng pag-aalsang Agraryo: Katagalugan
6. Nanguna sa isang pag-aalsang panrelihiyon sa Tayabas: Apolinario dela Cruz
7. Tawag sa mga sundalong mula sa India na kasama ng mga ingles patungo sa bansa na namamalagi sa Cainta at Taytay: Sepoy
8. ibang tawag kay apolinario dela cruz: Hermano Pule
9. produktong ipinatanim ng mga espanyol sa mga magsasakang Pilipino: Tabako
10. Mga katutubong nagpuslit ng mga tabako sa ilocos upang itinda sa pamahalaan: Igorot
Sana makatulong <3
#CarryOnLearning
#MakeTheBrainyCommunityGreatAgain