1. Sa pampamilyang pagpapasya, sino ang dapat na masusunod? *
Tanging tatay lamang ang magpapasiya.
Tanging nanay lamang ang magpapasiya.
Tatay at nanay lang ang dapat na magbuo ng pagpapasiya.
Ang mga magulang at mga anak ang makikilahok sa pagpapasiya.
2. Paano mararating ang tamang pasiya? *
Pag-iisipan at timbanging mabuti ang mga pagpipiliang pasiya.
Pakikinggan ang boses ng mas matanda kahit na may masasaktan.
Magbigay ng pasiya ng hindi inalam ang mga bagay ukol sa pagpapasiyahan.
Iiwasang makibahagi sa sitwasyong kinakailangang pagpapasiyahan upang hindi masisi.
3. Bakit mahalaga na maging mahinahon sa pagpapasiya? *
Upang makapag-isip at makapanimbang ka ng tama at kung ano ang pinakamabisang pasiya para sa lahat.
Upang hindi iinit ang iyong ulo at mauwi sa kaguluhan ang pag-uusap at pagpapasiya.
Upang walang magmumungkahi ng mga posibleng solusyon sa pagpapasiyahan
Upang mapabilib mo ang mga taong sangkot sa dapat na pagpapasiyahan.
4. Napagkaisahan ng mga magulang mo na ikaw ay pahihintuin ng pag-aaral sa susunod na taon kung magkakaroon na ng face to face classes. Natatakot sila na ikaw ay madapuan ng sakit na Covid-19 at mapahamak. Alin sa mga sumusunod ang nararapat mong gawin? *
Magtatampo at maglalayas
Magkulong sa kwarto at hindi iimikan ang mga magulang.
Magalang mong rerespetuhin ang kanilang pasiya at magpasalamat
Rerespetuhin mo ang kanilang pasiya subalit ipapaliwanag mo rin ang iyong saloobin na kung sakali mang bumuti ang panahon ay pwede ring baguhin ang pasiya nila.
5. Nasa ugali nating mga Pilipino ang mapanuri sa mga bagay bago magpapasiya lalo na kung ito ay tungkol sa ating pamilya. Alin sa mga sumusunod ang gumagamit ng mapanuring pag- iisip? *
Magbibigay agad ng pasiya upang matapos ang problema
Alaming mabuti ang problema at ang pinakamabisang solusyon nito
Ipagdasal na lang at hayaan na lang kung ano ang kahihinatnan nito
Kimkimin na lang at idaan sa pag-iinom ng alak
B. Panuto: Isulat ang wastong ngalan ng pinagkukunan ng impormasyon na tinutukoy sa bawat pangungusap. Isulat sa malalaking titik ang bawat sagot. Hal.: RADYO
6. Isang sistemang pangtelekomunikasyon para sa pagpapahayag ng mga gumagalaw na mga larawan at tunog sa kalayuan. *
7. Tinatawag din na peryodiko o pahayagan. *
8. Isang teknolohoyia na pinahihintulutan ang pagpapadala ng hudyat (signals) sa pamamagitan ng modulation ng electromagnetic waves na may frequency na mas mababa kaysa liwanag. *
9. Pinaikling salita na international networking kung saan ginagamit ng tao upang mas madaling makakuha ng mga impormasyon. *
10. Pinagsama-samang mga nailimbag na salita sa papel; naglalaman din ito ng pagtuturo, direksyon,paggamit, aral at tagubilin. *
Share
Answer:
1.Ang Mga Magulang At Anak Ang Makikilahok Sa Magpapasiya
2.Pag Isipan At Timbangin Mabuti Ang Pagpipiliang pasiya
3.Upang makapag-isip at makapanimbang ka ng tama at kung ano ang pinakamabisang pasiya para sa lahat
4.Magalang mong rerespetuhin ang kanilang pasiya at magpasalamat
5.Alaming mabuti ang problema at ang pinakamabisang solusyon nito.
Explanation:
Yan Lang Po Ang Alam Ko Pero Sana Po Nakatulong