1. "Si Pilemon Si Pilemon, nangisda sa kadagatan Nakakuha, nakakuha ug isda'ng tambasakan"
("Si Pilemon, Si Pilemon, nangisda sa karagatan, nakahuli, nakahuli ng isdang tambasakan")
Isinasaad ng mga linyang ito na...
a. isa sa mga pangunahing kabuhayan sa Bisaya ang pangingisda.
b. libangan ng mga tao sa Bisaya ang pangingisda
Ito ang kaisipang napili ko dahil,
____________________________________________________________________________________________________________________________________
2. Guibaligya, guibaligya sa merkado'ng guba, Ang halin puros kura, Ang halin puros kura igo ra i panuba.
(" Pinagbili, pinagbili sa isang munting palengke Ang kanyang pinagbilihan, ang kanyang pinagbilihan, pinambili ng tuba.")
Isinasaad ng mga linyang ito na...
a. ang tauha ay nagnenegosyo ng tuba.
b. ang tauhan ay mahilig uminom ng tuba.
Ito and kaisipang napili ko dahil
____________________________________________________________________________________________________________________________________
Share
Verified answer
Answer:
1. A. isa sa mga pangunahing kabuhayan sa Bisaya ang pangingisda
Ito ang kaisipang napili ko dahil nakasaad sa mga linya ng kanta na pumunta ng karagatan si Pilemon upang mangisda. Ipinahiwatig na ang pagpunta nya sa karagatan para mangisda ay hindi para libangan kundi pang hanapbuhay. Siya ay nakahuli ng tambasakan na isang uri ng isda sa kanyang pangingisda.
2. B. ang tauhan ay mahilig uminom ng tuba
Ito ang kaisipang napili ko dahil nakasaad sa mga linya ng kanta na ibinenta ni Pilemon ang nahuling isda sa isang munting palengke. Ang kinita niyang pera sa pagbenta ng kanyang nahuling isda ay ginamit niyang pambili ng tuba pagkatapos. Ipinahiwatig na si Pilemon ay mahilig uminom ng tuba dahil kahit konti lang ang kita niya sa pagbenta ng isda ay ibinili niya parin ng tuba.
#BrainlyEveryday