1. Sila ang mga nasasakupan o tagasunod na may layuning kamtin ang pangitain ng grupo habang napauunlad ang kanilang mga kakayahan. Sila ang sama-samang nagtataguyod at gumaganap sa ibat ibang gawain o adhikain. a. Lider
b. Tagasunod
C. alipin
d. asosasyon
2. Siya ang tagapanguna sa isang samahan na naglalayon na payabungin ang bawat kakayahan ng kaniyang kasapi na tumugon sa adhikain ng grupo.
a. Lider
b. Tagasunod
C. alipin
d. asosasyon
3. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga gampanin ng isang lider maliban sa,
a. Gumagabay upang makamit ang pangarap o pangitain ng samahan.
b. Nangunguna sa pagpapatupad ng mga programa, proyekto at mga gawain.
c. Nagpapatupad ng matalinong pagpapasya.
d. Palaging nagbibigay lang ng utos sapagkat siya ang namumuno sa samahan,
4. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng mga katangian ng isang tagasunod maliban sa,
a. Gumaganap ng tungkulin na iniaatas ng nakatataas.
b. Nakikiisa sa mga adhikain ng asosasyon tungo sa pagkamit ng layunin.
c. May sariling pagpapasya na di na kailangan ng pagsangguni.
d. Gumagawa ng aksyong tugma sa ipinatutupad ng namumuno.
5. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng kahalagahan ng pamumuno?
a. Natutugunan ang pangangailangan ng bawat kasapi ng pangkat.
b. Nagkakaroon ng direksiyon ang pangkat tungo sa pagkamit ng layunin.
c. Nakatatanggap ng parangal dahil sa pagkakaroon ng magagandang proyekto.
d. Nagkakaroon ng kinatawan upang makilala ang pangkat na kinabibilangan.
Troll=Report
Good answer=Brainliest
ps:please answer it correctly, asap
Share
0 Replies