1. Sumulat ng maikling lathalian tungkol sa pagkasira ng kalikasan.
Pa help po need ko po ngayon
may 100points po kayo
Share
1. Sumulat ng maikling lathalian tungkol sa pagkasira ng kalikasan.
Pa help po need ko po ngayon
may 100points po kayo
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Saksi ang Inang Kalikasan sa bawat galaw nating mga tao. Tapon dito, tapon doon. Mga basurang nagkalakat kahit saan. Mga taong walang pakialam basta’t matapon ang basura at hindi alintana ang masamang dulot nito. Sa paglipas ng panahon, maging mga kabataan ngayon ay wala na ring pakialam. Maging karagatan ay hindi na sinanto, mga taong masasayang namamasyal at nagpapahangin dito ay nagtatapon din ng mga basura.
Hindi maitatanggi na isa sa pinakapangunahing isyu sa kasalukuyan ay tungkol sa ating kapaligiran. Patuloy na nasisira ang ating kapaligiran kaya’t nagiging sanhi ng negatibong pagbabago hindi lamang dito sa ating bansa maging sa buong mundo. Sa kabila ng pag-unlad ng sibilisasyon at teknolohiya ay ang kapaligiran ang naaapektuhan. Nawawalan ng disiplina ang mga tao at kabi-kabila ang problemang idinudulot sa ating Inang Kalikasan. Ang pagkakaroon ng mga kalamidad ay sanhi ng pagpapabaya ng mga tao.
Sa isyung pangkapaligirang ito, inaasahang magkaisa ang bawat mamamayan, dapat lahat alam kung ano ang mga kaganapan na nangyayari sa paligid na tao rin ang may gawa at syempre alam ang dapat gawin. Sa pag-aaral ng mga eksperto isa sa nakakatakot na pangyayari ngayon ay ang pagkasira ng ozone layer ayon nga sa kanila ang dahilan nito ay ang pagsusunog ng mga fossil fuels ng mga tao. Napakamapanganib nito sapagkat sa unti-unting pagkabutas ng ozone layeray direktang makakapasok sa atin ang matinding init na galing sa araw na siya namang unti-unti nating nararanasan sa kasalukuyan.
Ang bansang Pilipinas ay may malawak na napagkukunan ng likas na yaman. Ito ang pinakapangunahing pangkabuhayan ng mga Plipino ngunit sa paglipas ng panahon ay unti-unting nababawasan dahil sa mga negatibong pangyayari. Marami ring maipagmamalaking magagandang tanawin angating bansa kaya dinarayo ng maraming turista. Sa kasalukuyan, marami pa rin ang nadidiskubreng pasyalan sa ibat ibang panig ng bansa kung kaya’t masasabing napakayaman natin sa kalikasan. Subalit, ano ang sasapitin nito kung patuloy na papabayaan ang ating kapaligiran? Tiyak tayo ang mawawalan at nasa atin ang pagsisisi.
Bawat isa sa atin ay may responsibilidad na dapat gampanan. Ang pagbabago ay nagsisimula sa atin. Nararapat lamang na pangalagaan angating likas na yaman. Dito tayo kumukuha ng ating pamumuhay at mga pangangailagan at syempre dito rin nakasalalay ang kaligtasan ng bawat isa. Ito ang nagsisilbi nating tahanan. Huwag na sana nating hintayin na magkaroon ng panganib ang mga buhay natin at sana’y intindihin ng bawat isa ang kahalagahan ng ating Inang Kalikasan hindi lang para sa sarili kundi maging sa susunod na mga henerasyon.
#LetsStudy