1. Uri ng panitikan na kathang-isip lamang at ang pangunahing tauhan ay mga hayop at mga bagay na walang buhay na kumakatawan sa pag-uugali at katangian ng tao.
A. Tula
B. Dula
C. Pabula
D. Nobela
2. Ang mga sumusunod ay mga katangian ng pabula maliban sa isa.
A. Ang mga tauhan ay mga hayop.
B. Tao ang pangunahing tauhan sa kuwento.
C. Maaaring ang mga tauhan ay mga bagay na walang buhay.
D. Nagpapahayag ng aral sa pamamagitan ng mga katangian ng mga hayop.
3. Ano ang layunin ng manunulat ng pabula?
A. manakot sa mga tao
C. manuligsa sa mga isyu
B. mang-aliw at magbigay-aral
D. lahat ng nabanggit
4. Mayaman ang batang binusog ng pabula. Ano ang nais ipahiwatig nito?
A. Matalino ang bata sapagkat nagbabasa ng pabula.
B. Mayaman ang bata sa kaalaman tungkol sa mga hayop.
C. Matalino at may mabuting asal ang batang natuto sa mga pabula.
D. Maraming maibabahagi sa iba ang batang maraming nabasang kuwento.
5. "Kung tutulungan mo ako, hindi kita makalilimutan habambuhay." Ang pahayag ay
nangangahulugang
A. Siya ay magpapaalipin habambuhay
B. Magbibigay siya ng malaking gantimpala.
C. Habambuhay niya itong tatanawing utang na loob.
D. Tutulungan din niya ang mga taong nangangailangan ng tulong.
6. Anong damdamin ang nangingibabaw sa pahayag na,
"Pakiusap! Tulungan mo akong makalabas dito," sabi ng Tigre
A. pagmamakaawa
B. kasiyahan
C. pagmamataas
D. kapighatian
7. Bakit nagdadalawang-isip na tulungan ng lalaki ang tigre?
A. Nahihilo siya sa lalim ng hukay.
B. Natatakot na baka kainin siya ng tigre.
C. Wala siyang mapapala sa pagtulong sa tigre
D. Walang kasiguraduhan kung maliligtas nito ang tigre.
8. Ito ang sinisimbolo ng kuneho sa kuwento.
A. kalinisan
B. kaligayahan
C. katalinuhan
D. kapita-pitagan
9. Alin sa mga sumusunod na salita ang ekspresyong nagpapahayag ng damdamin na sambitla?
A. Naku
B. Maganda
C. Salamat po
D. Hindi ko sinasadya
10. Tumutukoy sa pagsasaayos ng salita sa antas o tindi ng kahulugan nito.
A. Pagkikling
B. Pag-aantas
C. Pagkaklaro
D. Pandamdamin
Share
Answer:
1.C
2.D
3.B
4.C
5.C
6.A
7.B
8.C
9.D
10.A
Explanation:
kung may mali po, pakitama sana nang maayos sa comment section.