11.Sa pang araw-araw na buhay ng mga tao ay may pagkonsumo. Alin sa mga
pahayag sa ibaba ang nagpapatunay sa pagkakaiba ng produksyon at
pagkonsumo?
a. Ang produksyon ay pagproseso ng produkto at ang pagkonsumo ay paggamit
ng produkto.
b. Nililikha ang produkto sa produksyon, samantala ginagamit ito sa
pagkonsumo.
c. Ang produksyon ay proseso ng pagsasama-sama ng mga salik upang
makabuo ng produkto at ang pagkonsumo ay pagbili at paggamit ng produkto
na magbibigay ng kapakinabangan sa tao.
d. Sa produksyon maraming produktong bibilhin samantala sa pagkonsumo
nasisiyahan ang mga tao sa pagbili ng produkto.
12.Ang taglay na talino at kakayahan ng tao ay mahalaga. Ano ang materyal na
gawa ng tao na ginagamit sa produksyon?
a. malawak na lupain
b. libo-libong binhi ng prutas
c. makinarya at teknolohiya
d. maayos na daan at tulay
13.Ang pahayag na kung saan napakahalaga ng inobasyon para sa isang
entrepreneur dahil magaganap ang patuloy na pagbabago sa kaniyang mga
likhang produkto ay ideya ni ___________, isang ekonomista ng ika-20 siglo.
a. Abraham Harold Maslow
b. Edward Denison
c. Joseph Schumpeter
d. Upton Sinclair
14.Sa apat na salik ng produksyon, ito ay tumutukoy sa kalakal na nakalilikha ng
bagong produkto.
a. enterprise
b. kapital
c. lupa
d. paggawa
4
15.Saan nanggagaling ang lupa, lakas paggawa, kapital at kakayahang entrepreneur
bilang mga salik ng produksyon?
a. bahay-kalakal
b. industriya
c. pamahalaan
d. sambahayan
16.Sa produksyon, nagaganap ang transpormasyon ng mga raw materials sa pagbuo
ng bagong produkto sa pamamagitan ng kahusayan at sipag ng mga
a. kapitalista
b. landlord
c. manggagawa
d. opisyales
17.Bakit may malaking ginagampanan ang mga manggagawa sa ating pang arawaraw na pamumuhay?
a. Sila ang tagaproseso upang makabuo ng produkto.
b. Sila ang kumukuha ng mga hilaw na sangkap.
c. Ang kanilang paggawa ng mga produkto ay tumutugon sa pangangailangan
ng mga tao.
d. Ang kanilang paglilingkod ay ipinagkaloob sa mga tao.
18.Ang mga manggagawang may kakayahang mental o may “white collar job” ay mas
ginagamit ang kanilang isip kaysa lakas ng katawan sa paggawa, samantala ang
mga manggagawang may kakayahang pisikal o may “blue collar job”
ay________________.
a. ginagamit ang lakas ng katawan lamang
b. mas ginagamit ang lakas ng katawan na sinasabayan ng angking kakayahan
sa kanilang paggawa
c. kakayahan at talino ng mga manager, doctor, inhinyero
d. nagtatrabaho sa malalaking kompanya
19.Ito ay tumutukoy sa kakayahan at kagustuhan ng isang tao na magsimula ng
isang negosyo.
a. business outsourcing
b. entrepreneur
c. entrepreneurship
d. online business
20.Alin sa sumusunod ang HINDI nagpapahayag ng kahalagahan ng produksyon sa
pang araw-araw na pamumuhay?
a. Ang produksyon ay lumilikha ng trabaho.
b. Ang mga kinita mula sa bawat salik ng produksyon ay nagagamit ng
sambahayan sa pagbili ng produkto at serbisyo.
c. Ang produksyon ay pinagmumulan ng mga produktong kailangang ikonsumo
sa pang araw-araw.
d. Ang pagkonsumo ay nagbibigay-daan sa produksyon ng produkto at serbisyo,
kaya dahil dito masasabing mas mahalaga ang produksyon kaysa sa
pagkonsumo.
Share
Verified answer
Answer:
Produksyon at Pagkonsumo
Narito ang mga tamang sagot:
11. C
12. C
13. C
14. D
15. D
16. C
17. C
18. B
19. C
20. D
Explanation:
Ang mga salik ng produksyon ay ang lupa, puhunan, manggagawa, entreprenyur, at pamahalaan. Ang mga salik na ito ay mahalaga upang mas lumago pa ang ating ekonomiya, sa tulong ng mga mamumuhunan at ng mga entreprenyur. Dahil sa mga salik na ito ng produksyon ay nakagagawa ang iba’t-ibang industriya ng mga produkto na ginagamit ng tao. Ang mga produktong ito ang binibili ng mga mamimili at ito ang kinokonsumo ng mga tao. Mas malaki ang konsumo ng isang populasyon, mas mataas din dapat ang produksyon upang makasiguro na may mga produkto pang mabibili sa merkado.
Para mas palawakin pa ang iyong kaalaman tungkol sa usaping pang-ekonomiya, bisitahin lamang ang link na ito:
brainly.ph/question/312285
#BrainlyEveryday