13. Paano maipakikita ang pagkilala at pagpapahalaga sa dignidad ng kapwa tao?
a. paglalaan ng panahon upang iparamdam sa malapit na kapwa ang
pagmamahal at pagpapahalaga,
b. pagiging tapat sa lahat ng ginagawa para sa kapwa.
c. pagbibigay ng sarili sa kapwa kilala o hindi kilala,
d. pagpapahalaga sa tao bilang tao hangga't siya ay nabubuhay.
14. Paano mapananatili ang mataas na antas ng dignidad ng tao?
a. pagsasabuhay ng pagpapahalaga hindi sa kung anong ari-arian mayroon
kundi sa karangalan bilang tao.
b. palaging pag-aangkop ng sarili sa pangkat na kinabibilangan upang maging
karapat-dapat sa kanilang pagkilala.
c. pagpapanatili ng kabutihan sa sarili at sa kapwa,
d. pagkilos bilang kagalang-galang na indibidwal,
15. Paano mo matutulungan ang isang pulubi na maiangat ang kaniyang dignidad
bilang isang tao?
a. sa pagbibigay ng pera at makakain araw-araw
b. pagtulong sa kaniya na hanapin ang pamilya upang may mag-aaruga
sa kaniya
c. paghahanap ng isang institusyon na maaaring kumalinga sa kaniya at
mabigyan siya ng maayos na pamumuhay
d. paglapit at pagkausap sa kaniya upang maitaas ang kaniyang konsepto
na kaniyang sarili
Share
Answer:
13.a
14.c
15.c
Explanation:
i hope this helps