18. Naitatag ang Asamblea o Batasan ng Pilipinas.
(Batas Cooper, Batas Jones, Batas Tydings McDuffie)
Share
18. Naitatag ang Asamblea o Batasan ng Pilipinas.
(Batas Cooper, Batas Jones, Batas Tydings McDuffie)
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Ang Batas Cooper o mas kilala sa tawag na Batas ng Pilipinas ng 1902 (english: Philippine Bill of 1902 o Philippine Organic Act (2013)) ay isang batas na ipinatupad ng Estados Unidos sa Pilipinas noong 1902. Ipinagtibay ito noong 2 Hulyo 1902. Ito ay nagtakda ng pagbibigay ng mga karapatan sa malayang pananalita at pagpapahayag, kalayaang huwag mabilanggo dahil sa pagkakautang,pagiging pantay-pantay sa harap ng batas at kalayaan mula sa pagkaalipin.Ayon din sa Katipunan ng Karapatan, dalawang Pilipino na kasapi sa komisyon ang maaaring ipadala bilang kinatawan ng Pilipinas sa Kongreso ng Estados Unidos.
Sa bisa ng batas na ito, itinatag ang Asamblea o Batasan ng Pilipinas. Noong Hulyo 30,1907 ginanap ang halalan at ang pagpapasinaya ay ginanap noong Oktubre 16,1907 sa Grand Opera House. Naging speaker si Sergio Osmeña at si Manuel L. Quezon naman ang pinuno ng higit na nakararaming kasapi. Nahirang din sina Benito Legarda, Sr. at Pablo Ocampo bilang kinatawan ng Pilipinas sa Kongreso ng Estados Unidos.
Nagsilbi itong saligang batas sa Pilipinas sa ilalim ng pananakop ng Estados Unidos hanggang sa mapalitan ito ng Batas Jones noong 1916.
Ang Batas Jones o ang Philippine Autonomy Act ay ang batas na nagbibigay sa mga Pilipino ng kalayaang magsarili at pangako ng pagkakaloob ng kasarinlan sa Pilipinas sa lalong madaling panahon kapag nagkaroon na ang bayan ng isang matatag na pamahalaan. Ito ang pinakamahalaga at pinakamataas na batas ng Pilipinas simula nang 1916 hanggang 1935 nang pagtibayin ang Saligang Batas ng Pilipinas. Ang Philippine Autonomy Act of 1916 na lalong kilala sa tawag na Batas Jones ay pinanukala ni Kinatawan William Atkinson Jones ng Virginia, U.S.A. at nasabatas noong ika-29 ng Agosto, 1916.Ayon sa preamble ng Batas Jones,babawiin ng USA ang soberanya nito sa Pilipinas at kilalanin ang kalayaan ng mga Pilipino makaraang magkaroon ang Pilipinas ang isang matatag na pamahalaan.
Ang Batas Tydings–McDuffie (opisyal na pangalan: Batas sa Kalayaan ng Pilipinas; Pampublikong Batas Blg. 73-127) na inaprubahan noong Ika-24 ng Marso taong 1934 ay isang pederal na batas ng Estados Unidos na nagkaloob ng nagsasariling pamahalaan ng Pilipinas at ng kalayaan nito (mula sa Estados Unidos) pagkatapos ng sampung taon.
Noong 1934, pinamunuan ng Pilipinong politikong si Manuel L. Quezon ang "misyong pang-kalayaan ng Pilipinas" sa Washington, D.C. na nagtagumpay sa pagpapatibay ng Kongreso sa batas na ito.Kabilang sa mga probisyong tinutulan ng misyong pangkalayaan ni Manuel L. Quezon ang pananatili ng base militar sa Pilipinas;ang walang katiyakang kapangyarihang taglay ng High Commissioner na itatalaga sa Pilipinas; at ang limitasyon kaugnay sa pagpasok ng mga Pilipino sa U.S.A..
Explanation: