19.Bakit inutos kaagad ni Pangulong McKinley ang pagbuo ng Pamahalaang Militar sa Pilipinas pagkatapos bumagsak ang Maynila sa mga Amerikano? *
A. Upang magtatag ng Pamahalaang Amerikano
B. Upang mapigilan ang mga pag-aalsang maaring sumiklab sa bansa
C. Upang maitaguyod ng mga Pilipino ang mga produktong galing ng Maynila
D. Upang ipakita sa mga Pilipino na sila ay may mas malakas na kapangyarihan
20.Siya ang nagsulong ng batas na naglalayong mabigyan ng kasarinlan ang Pilipinas sa sandaling magkaroon ng matatag na pamahalaan ang bansa. *
A. Sergio Osmeña
B. Manuel Roxas
C. Manuel L. Quezon
D. Claro M. Recto
21.Ano ang pangunahing layunin ng pagkakatatag ng pamahalaang Komonwelt sa Pilipinas? *
A. Maipagpatuloy ang pananakop ng mga Amerikano
B. Maihanda ang Pilipinas sa ganap na pagsasarili sa loob ng sampung taon
C. Mailigtas ang Pilipinas sa pang-aapi
D. Maisalin ng Amerika ang kapangyarihan sa mga Pilipino
22.Wikang ginamit sa pagtuturo ng mga Amerikano na naging pangunahing instrumentong ginamit para sa Amerikanisasyon ng mga Pilipino? *
A. Latin
B. Ingles
C. Espanyol
D. Amerikanisasyon
Share
Verified answer
Answer:
Panahon ng mga Amerikano
Narito ang mga tamang sagot:
19. B. Upang mapigilan ang mga pag-aalsang maaring sumiklab sa bansa
20. C. Manuel L. Quezon
21. B. Maihanda ang Pilipinas sa ganap na pagsasarili sa loob ng sampung taon
22. B. Ingles
Explanation:
Ang mga Amerikano ay nagsimulang sakupin ang Pilipinas matapos na mapirmahan ang Kasunduan sa Paris noong 1898 sa pagitan ng Amerika at ng Espanya. Ibinenta tayo ng Espanya sa halagang $20 milyon, at ang kapalit naman nito ay ang paglisan nila sa bansa. Sa ilalim ng mga Amerikano, nagkaroon ng pagtaas ng antas ng pamumuhay ang mga Pilipino, at marami ang mga nakapag-aral sapagkat naging focus ng pamahalaang Amerika ang edukasyon para sa ating mga kababayan.
Para sa iba pang impormasyon tungkol sa panahon ng mga Amerikano, bisitahin lamang ang link na ito:
brainly.ph/question/254591
brainly.ph/question/549562
#BrainlyEveryday