1.Tukuyin kung alin sa mga sumusunod na pangungusap ang TAMA.
a. Kapag hindi nagtagumpay ang isang tao sa pagtugon sa isang halaga
hindi lang ang halaga ang nasisira kundi pati ang taong hindi tumutugon
dito.
b. Kahit pa napababayaan ng isang tao ang kanyang katawan at
kalusugan dahil sa pagtulong sa kapwa nanatili pa ring mabuti ang
kanyang gawain
c. Ang sino man, bata man o matanda ay may sapat ng kakayahang
bumuo ng kanyang sariling pagkatao at magkamit ng mataas na antas
ng halaga.
d. Lahat ng nabanggit
2. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi totoo tungkol sa birtud?
a. Ang birtud ay laging nakaugnay sa pag-iisip at kilos ng tao.
b. Ang salitang birtud ay galing sa salitang Latin na virtus o vir.
c. Ang birtud ay natural lamang na taglay ng lahat ng nilikha ng Diyos.
d. Ang gawi ay bunga ng paulit-ulit na pagsasakilos na nakamit dahil sa
pagsisikap.
3. Masasabi lamang na tunay na naging epektibo ang edukasyon sa
pagpapahalaga sa tahanan kung:
a. tunay na nabubuo ang magandang relasyon ng magulang at ng
kanilang mga anak
b. nasiguro ng magulang na ang lahat ng kanilang mga anak ay
matagumpay na naisasabuhay ang parehong halaga na kanilang itinuro
c. walang sino man sa kanilang mga anak ang hindi naisasabuhay ang
pagiging maingat sa kanilang mga paghuhusga
d. lahat ng nabanggit
4. Sa paanong paraan nagkakaroon ng kaugnayan ang halaga at birtud?
a. May kaugnayan ang halaga at birtud dahil pareho lamang itong
naghahangad ng kabutihan para sa tao.
b. Kung nakikita ng tao na ang isang birtud ay may malaking tulong sa
kanyang pagkatao pagyayamanin niya ito at pahahalagahan.
c. Kung nakikita ng tao na ang isang bagay ay mahalaga tutukuyin niya
ang angkop na birtud na mas makapagpapayaman dito.
d. Matatawag lamang na mahalaga ang isang bagay kung ito ay
ginagabayan ng lahat ng mga birtud.
5. Ang mga sumusunod ay katangian ng ganap na halagang moral maliban sa:
a. Ito ay nagmumula sa labas ng tao.
b. Ito ay pangkalahatang katotohanan na tinatanggap ng tao bilang mabuti
at mahalaga.
c. Ito ay maaaring pansariling pananaw ng tao o kolektibong paniniwala
ng isang pangkat ng tao
d. Ito ay ang mga prinsipyong etikal na pinagsisikapang makamit ng tao at
mailapat sa kanyang pag-araw-araw na buhay.
Share
Answer:
1.c
2.d
3.d
4.b
5.d
Explanation:
Hope it helps
#KEEP ON LEARNING