2. Anong salik ang nakakaimpluwensiya sa demand ng tao? Ipaliwanag
Home
/
2. Anong salik ang nakakaimpluwensiya sa demand ng tao? Ipaliwanag
2. Anong salik ang nakakaimpluwensiya sa demand ng tao? Ipaliwanag
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Ang pangunahing salik na nakakaimpluwensiya sa demand ng tao ay ang presyo. Isinasaad sa batas ng demand na ang presyo at quantity demanded ay may magkasalungat na i
ugnayan. Ibig-sabihin kapag mataas ang presyo ng isang produkto, mababa ang quantity demanded nito at kung mababa naman ang presyo ng isang produkto, mataas naman ang quantity demanded nito.
May mga iba pang salik na nakaaapekto sa demand maliban sa presyo, ito ay ang mga sumusunod:
1. Kita
Paliwanag: Dahil sa kita ng bawat indibidwal, maaaring makaapekto ito sakanilang demand. Halimbawa, ang trabaho ni Lito ay tricycle driver at ang trabaho ng kaniyang kaibigan ay isang sea man. Maaaring makabili ng mamahaling sapatos ang kaibigan ni Lito dahil sa kita na kinikita nito ay malaki.
2. Panlasa
Paliwanag: Iba't - iba ang panlasa ng bawat indibidwal. Kapag ang isang produkto ay naaayon sa panlasa ng indibidwal, maaaring tumaas ang demand para dito.
3. Dami ng mamimili
Paliwanag: Ito rin ay kilala bilang bandwagon effect. Halimbawa, umuso na ngayon ang smartphone. Kaya karamihan sa mga tao ngayon ay nakikisabay sa mga uso na nagdudulot ng pagtaas ng demand ng produktong ito.
4. Presyo ng magkaugnay na produkto
Paliwanag: Halimbawa sa coffe stick at coffemate, kapag bumaba ang presyo ng coffe stick ay tataas ang demand ng coffe mate.Kung tumaas naman ang presyo ng coffe stick ay bababa ang demand ng coffe mate.
5. Inaasahan
Paliwanag: Kung inaasahan ng mga mamimili na tataas ang presyo ng isang particular na produkto sa sususnod na araw o linggo, aasahan na tataas ang demand ng nasabing produkto sa kasalukuyan habang mababa pa ang presyo nito.