2. Ayon kay Prof. Bienvenido Lumbera, wikang Tagalog ang batayan ng wikang
Pambansa, sumasalamin ito sa mahabang kasaysayan ng mga Pilipino.
Pananaw:
3. Ayon kay Prof. Pat V. Villafuerte, malilinang ang intelektwalisasyon ng Filipino
sa pamamagitan ng: (1) Paggamit, (2) Panghihiram, (3) Pagsasalin, at (4)
Paglikha.
Pananaw:
4. Ayon kay Prof. Portia P. Padilla, ang sariling wika ay daan papunta sa Filipino
o sa iba pang mga wika.
Panananaw:
Share
Verified answer
Ang wikang Filipino ay ang ating kinikilalang wikang pambansa. Ito ay batay sa dayalektong Tagalog na sinasalita ng mga taong kung tawagin ay Tagalog.
Narito ang mga sumusunod na pananaw batay sa mga teorya ng mga kilalang propesor ng Pilipinas.
Ayon kay Prof. Bienvenido Lumbera
Sang-ayon ako sa kanyang naging pahayag na ang wikang Tagalog ay sumasalamin sa ating mahabang kasaysayan. Bilang wikang batayan ng wikang pambansa, dapat ay hindi natin kalimutan ang wikang pinagmulan ng Filipino. Ang wikang pambansa ay nahuhubog o kung kaya ay nadadagdagan sa pamamagitan ng impluwensya o panghihiram.
Ayon kay Prof. Pat V. Villafuerte
Para sa kanya, nalilinang ang wika sa iba't ibang paraan gaya ng paggamit, panghihiram, pagsasalin, at paglikha. Para sa akin ay tama ang kanyang pahayag dahil sa katunayan, walang permanenteng wika. Lahat ay nagbabago dahil na rin sa impluwensya at panghihiram. Ito ang dahilan kung bakit nagiging iba sa ating tainga ang istilo ng pananalita ng mga matatanda at kabataan sa kasalukuyan.
Ayon kay Prof. Portia P. Padilla
Para sa akin ay naging maganda ang pahayag ni Prof. Portia P. Padilla pero hindi ko lubos maiugnay na ang ilan sa mga katutubong salita sa ating bansa ay daan papunta sa Filipino. Ang isa sa mga dahilan kung bakit Filipino ang ginawang wikang pambansa ay dahil sa ito ay madaling matutunan. Halibawa ang salitang Muslim sa mga lalawigan ng Mindanao, ang salitang Muslim ay mahirap pag-aralan dahil sa kumplikadong pamamaraan ng kanilang pagsasalita. Kung iisipin, masyadong malayo ang mga salita ng mga Muslim kumpara sa Tagalog kung kaya hindi ako lubos na sumasang-ayon sa pahayag ni Prof. Portia P. Padilla.
Kung nais mong magbasa ng isang sanaysay tungkol sa wikang Filipino, maaaring magtungo lamang sa link na ito:
brainly.ph/question/29218710
#SPJ1