2. Mula sa talaan, sumulat ng isang maikling tula tungkol sa iyong sarili. Ito ay maglalaman ng iyong pagkilala at pagpapahalaga sa iyong mga katangian, talento, at kakanyahan. Maglalarawan din ito ng iyong mga karanasan sa buhay kasama ang mga taong mahalaga sa iyo. At sa huli, ilahad sa tula ang iyong pangarap sa buhay.
3. Bigyan mo ng malikhaing pamagat ang iyong tula.
4. Maaaring gawing inspirasyon ang tulang "Agila" sa pagsulat.
5. Basahin nang buong puso ang ginawang tula sa harap ng iyong magulang o guardian.
Share
Likha ni Aves Writes
“DAKILANG INA”
Nay! Ma!
Salamat sa siyam na buwang pag sasakripisyo
Salamat dahil binigyan mo ako ng puwang sa buhay mo
Salamat sa pag mamahal at pag-aaruga.
Sakripisyo mo’y hindi ko mabilang bilang
Walang makakapantay sa pag mamahal na iyong ibinigay
Mula noon hanggang ngayon ika’y laging nariyan
Para ako’y iyong gabayan
Napaka dakila mo aking ina .
Dahil lahat ng sakripisyong iyong nalampasan
Walang makakatalo sa iyong ipinakita
Isa kang tunay na mandirigma sa aking mata
Masakit ka man kung mag salita minsan,ngunit alam kong ito’y para sa’king kapahamakan.
Ika’y parang buwan na nag bibigay liwanag sa aking buhay
Ika’y aking gabay sa tinatahak kong buhay
Ngunit patawad kong minsa’y ika’y aking nasusuway
Ngunit pakatandaan, iyong mga pangaral ay pakatatandaan.
Hiling ko sa maykapal,panahon ay maging sapat
Upang masabi ko sayo ang lahat
Sa pag mamahal mo’y walang katapat
Sa buhay ko’y lubos kong pinag papasalamat
Salamat ina,
Sapagkat ako’y iyong pinalaki nang may disiplina
Ito ang iyong tandaan, kahit saan man ako mapunta
Pangangaral mo ang siyang aking dala-dala.