2. Sa patuloy na pag-unlad ng wika, sa patuloy na pagyabong nito, bunga ng
pakikisalamuha ng mga katutubo sa mga dayuhan-mananakop o kaibigan na
may naiibang kultura ang wikang ginagamit na kasangkapan sa
pakikipamuhay ay yumaman sa salita. May mga salitang hiram at ligaw na
ganap nang inangkin. Sa paggamit sa mga katawagang ito sa mga pahayag na
may kayarian o kaanyuang katutubo, kasama ang mga likas na katawagan, ang
mga inangking salita ay nagkaroon narin ng katangiang Pilipino, nagkaroon ng
kulay at karakter na Pilipino, at naging kasangkapan na sa pagpapahayag ng
kulturang Pilipino.
Bisa Simplicio R Wika at Kultura Pagsasaling Nagpapakahulugan".
Home Malay vol 9 no. 1 1991
3. Ang sistema ng kaugaliang Pilipino ay tumutukoy sa mga kaugalian na
ipinapahalaga ng karamihan ng mga Pilipino. Itong sistema ng kaugaliang
Pilipino ay may katangi-tanging katipunan ng mga ideolohiya, moralidad,
kabutihang asal, wastong kagawian, at kahalagahang personal at kultural na
itinatakda ng lipunan.
4. Mula noon hanggang sa kasalukuyan ay hindi maitatangging marami tayong
namana sa ating mga ninuno na mga kaugalian. Isa na rito ang paggalang sa
mga nakakatanda sa pamamagitan ng pagsabi ng “po” at “opo” at pagmamano
sa kanila. Ang isa pang halimbawa ay ang pagbabayanihan ng mga Pilipino.
Share
Answer:
2. dapat tayo maronong rumespeto sa nakakatanda at di dapat mawala ang upo at po?