3 halaga ng isip at bakit?
Share
3 halaga ng isip at bakit?
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Ang ating isip o ang utak ang may kontrol sa ating buong katawan kasama na ang ating puso. Ang ating isip o utak ang may kakayahang magisip, magpasiya at magdesisyon para sa ating buhay.
Kahalagahan ng Isip
Ang ating isip o utak ang kumokontrol sa lahat, sa lahat ng ating pagpapasiya at pagdedesisyon, ito ang gumagabay sa atin para magisip ng mga bagay kung ito ay tama at mali.
Ito ang ating ginagamit upang malawak nating maintindihan at malaman ang ating mga nagawang pasya at desisyon sa buhay.
Ito ang gaumagabay sa atin sa mga tamang desisyong makakapagpasaya sa atin at makapagpapa-intindi sa atin na tama ang ating mga ginagawa at gagawin.
Ang ating isip ang nagdedesisyon sa tama at maling gawain.
Dito nananatili ang mga kaalamang ating natututunan sa pang-araw araw na buhay at nagsisilbing imbakan ng ating mga karanasan sa buhay na magagamit natin sa hinaharap.
Ang mabuting pagpapasiya o pagdedesisyon ng ating isip o utak ang dahilan kung bakit ang tao ay nakagagawa ng tama at naayon. Ito ay bunga ng mabuting malalim, kritikal at pagkamalikhaing pag-iisip sa mga bagay bagay na nararapat na humantong sa paggawa ng mabuti at tama.
Mga Kahalagahan ng Mabuting Pagpapasiya
Nagiging maayos at mabuti ang mga desisyon sa buhay.
Nagkakaroon ng landas ang buhay na tinatahak.
Nakagagawa tayo ng mabuti para sa ating sarili at sa ating kapwa.
Nakaiiwas sa mga suliranin at mga problema.
Nasusunod ang mga pansariling kagustuhan basta naayon sa tama.
Nakakamit ang mga minimithi at pangarap sa buhay.
Nakararamdam ng saya at galak ng kalooban.
Mga Hakbang sa Paggawa ng Wasto at Mabuting Pagpapasya
Mangalap ng kaalaman.
Magnilay-nilay sa mga nagawang mga aksyon.
Humingi ng gabay sa Diyos
Tayain ang damdamin sa napiling pasya.
Pag-aralan muli ang pasya.