4. Bilang isang magulang, ano ang dapat kong gawin upang maingatan ko ang aking mga anak at pamilya laban sa ipinagbabawal na gamot?
Share
4. Bilang isang magulang, ano ang dapat kong gawin upang maingatan ko ang aking mga anak at pamilya laban sa ipinagbabawal na gamot?
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Bilang isang magulang, narito ang mga maaari o dapat mong gawin upang maingatan mo ang iyong mga anak at pamilya laban sa ipinagbabawal na gamot:
1. Siguraduhing pumapasok at nag-aaral ng mabuti ang inyong mga anak sa eskwelahan
Paliwanag: Kung ang isang bata ay maayos na pumapasok sa eskwelahan at nag-aaral ng mabuti, masisiguro mo na magiging maganda ang direksiyon nila sa buhay. Masisiguru mo rin bilang magulang na malalaman nila mula sa kanilang mga guro ang masasamang epekto ng ipinagbabawal na gamot.
2. Sabay na magdasal at pumunta sa simbahan
Paliwanag: Ang taong may takot sa Diyos ay takot na gumawa ng masama kaya't ang pagdarasal ng sabay ay isa sa pinakamabuting gawin upang magabayan ang buhay ng bawat isa sa pamilya at mailayo ito sa kasamaang dulot ng mga ipinagbabawal na gamot.
3. Kausapin at kumustahin palagi ang mga anak o sinumang parte ng pamilya
Paliwanag: Kabilang sa mga dahilan kung bakit napapabarkada ang mga bata o ibang parte ng pamilya ay kung kinukulang sila ng atensyon sa bahay. Ang pagkakaramdam ng lungkot o kaya'y kawalan ng makakausap sa bahay ang maaring mag-udyok sa isang tao na maghanap ng makakausap sa labas na maaring magtulak din sa kanya na gumamit ng ipinagbabawal na gamot. Isipin natin bilang magulang na gaano man karami ng mga gawain o trabaho natin ay pagtuonan pa rin natin ng pansin ang mga kasama natin sa bahay lalung-lalo na ang mga anak natin. Kausapin at kumustahin natin sila upang hindi nila maramdaman na sila's nag-iisa at na mas kailangan nila ang ibang tao o kaya'y ng ipinagbabawal na droga upang sumaya.
Explanation: