4. Ito ang uri ng komunikasyon na kung saan ay malaya ang mga miyembro ng pamilya na gumawa ng kanilang gusto, maliit lamang ang oras ng pag-uusap at bihirang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan.
a. Consensual c. Pluralistic
b. Laissez-faire d. Protective
Share
a. Consensual
Ang uri ng komunikasyon na naghihikayat sa anak na magbahagi ng iniisip at nararamdaman ngunit sa huli ay desisyon pa rin ng magulang ang masusunod na hindi man lang isinasaalang-alang ang anumang opinyon nito. Sa uring ito ay nakakulong at kontrolado ang pagpapahayag ng mga bata sa inaasahan ng magulang bagaman ay unti-unti namang mapahahalagahan ng mga bata ang pagkakaroon ng komunikasyon at matutuhan ang sistema ng pagpapahalaga ng pamilya
b. Laissez-FaireIto
Ang uri ng komunikasyon na kung saan ay malaya ang mga miyembro ng pamilya na gumawa ng kanilang gusto, maliit lamang ang oras ng pag-uusap at bihirang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan. Sa komunikasyong ito ay hinahayaan lamang ang anak na gumawa ng sariling desisyon datapuwa’t hindi matutunan ng bata ang kahalagahan ng pag-uusap o komunikasyon at maaari rin niyang pagdudahan ang kakayahan sa paggawa ng desisyon dahil walang masyadong suporta mula sa magulang o ibang kasapi ng pamilya
c. Pluralistic
Ang uri ng komunikasyon na kumikilala sa pagkakaroon ng bukas na pag-uusap na walang panghihigpit at humihikayat sa bawat kasapi ng pamilya na magbahagi ng ideya o opinyon. Sa paraang ito ay nababawasan ang pagkakaroon ng negatibong damdamin at makabubuo ng epektibong paraan para malutas ang hidwaan ng pagkakaiba.
d. Protective
Ito ang uri ng komunikasyon na kailanman ay hindi pinapahalagahan ang pagkakaroon ng bukas na pag-uusap at ang magulang ay may mataas na pamantayan sa inaasahan sa kanyang anak. Sa uring ito ay madalang o bihira lamang ang pag-uusap na maaaring makabubuo ng mas mataas na antas ng negatibong damdamin
Answer:
B. Laissez-Faire
Ito ang uri ng komunikasyon na kung saan ay malaya ang mga miyembro ng pamilya na gumawa ng kanilang gusto, maliit lamang ang oras ng pag-uusap at bihirang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan. Sa komunikasyong ito ay hinahayaan lamang ang anak na gumawa ng sariling desisyon datapuwa’t hindi matutunan ng bata ang kahalagahan ng pag-uusap o komunikasyon at maaari rin niyang pagdudahan ang kakayahan sa paggawa ng desisyon dahil walang masyadong suporta mula sa magulang o ibang kasapi ng pamilya.
Pamark naman po. Thank you<'3