5. Bilang isang mabuting mamamayan, paano mo ipaliliwanag sa mga batang lansangan ang tunay na kahulugan ng "Kalayaan" at "katarungan"?.
Home
/
5. Bilang isang mabuting mamamayan, paano mo ipaliliwanag sa mga batang lansangan ang tunay na kahulugan ng "Kalayaan" at "katarungan"?.
Answer:
kalayaan
Explanation:
Ang Kalayaan ay isang napakahalagang karapatan ng bawa’t tao, kung mayroon ka nito, walang gumagapos o pumipigil sa anumang iyong ninanais at nilalayon sa buhay. Mayroon kang laya na gampanan ang mga bagay na magpapaunlad at magpapaligaya sa iyo. Malaya kang lumikha, humimok, magtatag, at magsagawa ng mga makabuluhang bagay sa ikakaunlad ng iyong sarili, mga kasamahan, at maging ang iyong pamayanan. Wala kang magiging anuman na agam-agam o inaala-ala, maging maliit o malaki man, sa paggawa ng mga ito. Mapayapa, mahusay, at maligaya ka sa pagtupad ng mga tungkulin bilang masunuring mamamayan.
Katarungan
Ang katarungan o hustisya ay tumutukoy sa katuwiran (binabaybay ding katwiran pagiging wasto o kawastuhan (binabaybay ding kawastuan), katumpakan, at pagkakapantay-pantay ng mga tao sa harapan ng batas o sa harap ng isang hukuman. Ibinibigay sa makatarungang paghuhukom, paghuhusga, o gawain ang parehas na paghahawak at pakikitungo, at pagbibigay ng karampatang gawad o trato, o kaya ng karampatang pagkilala.