5 pagkakaiba sa pagitan ng GDP at GNI
Share
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
GNI vs GDP
Ang GDP ay tumutukoy sa sukat sa halaga ng lahat ng mga produkto at serbisyo na ginawa sa loob ng mga hangganan ng isang teritoryo o bansa, habang ang GNI naman ay kinukuha ang sukat sa kita na nagmula sa kinita ng mga residente ng isang bansa mula sa lahat ng pinagkukunan, kabilang ang kita maging sa ibang bansa.
Ang GDP ay nakatuon sa produksyon ng mga serbisyo at produkto sa loob ng isang bansa, habang ang GNI ay nakapokus sa kita na nagawa ng mga residente ng isang bansa.
Ang GDP ay binubuo ng apat na pangunahing bahagi: ang paggasta ng konsyumer, paggasta ng gobyerno, paggastos sa pamumuhunan, at ang net export. Ang GNI naman sa kabilang banda, ay kinabibilangan ng lahat ng kinikita ng mga residente ng isang bansa, kabilang ang kita mula sa pamumuhunan, pagmamay-ari ng ari-arian, at sahod.
Ang GDP ay hindi lamang nakatali sa nasyonalidad ng mga gumagawa ng mga kalakal at serbisyo, hindi tulad ng GNI.
Nakatuon lamang ng GDP sa aktibidad na pang-ekonomiya na nasa loob ng bansa, habang ang GNI ay isinasaalang-alang ang kita ng mga residente ng isang bansa mula sa labas ng bansa, at maging ang kita ng mga banyaga na namamalagi sa loob ng bansa.
Bisitahin ang link na ito para sa iba pang impormasyon tungkol sa GDP:
#SPJ1