5.Paano ang wastong paraan ng paggawa ng basket composting o compost pit?
Share
5.Paano ang wastong paraan ng paggawa ng basket composting o compost pit?
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
1.Pumili ng angkop na lugar.
a. patag at tuyo ang lupa
b. may kalayuan sa bahay
c. malayo sa tubig tulad ng ilog, sapa at iba pa.
2. Gumawa ng hukay sa lupa nang may limang metro ang lalim at dalawang metro ang lapad. Patagin ang loob ng hukay at hayaang makabilad sa araw upang hindi mabuhay ang anumang uri ng mikrobyo.
3. Tipunin ang mga nabubulok na kalat gaya ng tuyong damo, dahon mga balat ng prutas at iba pa. Ilatag ito nang pantay sa ilalim ng hukay hanggang umabot ng 30 sentimetro ang taas. Haluan ng 1 hanggang 2 kilo ng abono urea ang inilagay na basura sa hukay.
4. Patungan ito ng mga dumi ng hayop hanggang umabot ng 15 sentimetro ang kapal at lagyan muli ng lupa, abo o apog. Gawain ito ng paulit-ulit hanggang mapuno ang hukay .
5. Panatilihing mamasa-masa ang hukay sa pamamagitan ng pagdilig araw-araw. Tiyakin hindi ito babahain kung panahon nanamn ng tagulan, makabubuting takpan ang ibabaw ng hukay ng ilang piraso ng dahon ng saging upang hindi bahain.
6. Pumili ng ilang piraso ng kawayang wala nang buko at may butas sa gilid. Itusok ito sa nagawang compost pit upang makapasok ang hangin at maging mabilis ang pagkabulok ng mga basura.
7. Bunutin ang mga itinusok na kawayan pagkalipas ng tatlong linggo. Haluing mabuti ang mga pinagsama-samang kalat at lupa. Pagkalipas ng dalawang buwang o higit pa ay maaari na itong gamiting pataba ayon sa mabilis na pagkakabulok ng mga basurang ginamit.
1. Pumili ng sisidlan na yari sa kahoy o yero na sapat ang laki at haba. May isang metro ang lalim
2. Ikalat nang pantay ang mga pinagpatung-patong na tuyong dahon. dayami, pinagbalatan ng gulay at prutas, dumi ng mga hayop at lupa tulad ng compost pit hanggang mapuno ang sisidlan.
3. Diligan ang laman ng sisidlan at lagyan ng pasingawang kawayan upang mabulok kaagad ang basura.
4. Takpan ng dahon ng saging o lagyan ng bubong ang sisidlan upang hindi ito pamahayan ng langaw at iba pang peste.
5. Alisin ang mga pasingawang kawayan at haluin ang laman ng sisidlan upang magsama ang lupa at nabubulok na mga bagay pagkalipas ng isang buwan.
sana makatulong
Answer:
una humukay ng butas na malalim at may tamang laki pagakatapos hukayan lagyan ito ng yero o kahoy at pwede mo na lagyan ng nabubulok na basura upang maging mataba na lupa upang lumusog ang halaman
SANA PO MAKA TULONG