___6. Ang bawat lipunan ay may iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya. Ang mga sistemang ito ay nagkakaiba-iba
dahil iba-iba ang kanilang sagot sa mga pangunahing katanungang pang ekonomiya. Alin sa mga sumusunod
na katanungan ang HINDI kabilang sa mga pangunahing katanunang pang-ekonomiya?
A. Ano-ano mga produkto at serbisyo ang lilikhain?
B. Paano lilikhain ang mga produkto at serbisyong ito?
C. Para kanino ang mga lilikhaing produkto at serbisyo?
D. Magkano ang iniasahang pakinabang mula sa mga produkto at serbisyo?
___7. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng isang market economy?
A. Ang pamahalaan ang nagpoprodyus at namamahagi ng mga produkto sa mga mamamayan
B. Ang mga industriya ng isang lipunan ay pagmamay-ari ng mga pribadong indibibwal
C. Ang mga mamamayan ay magtatrabaho ng ayon sa kanyang pangangailangan
D. Ang ekonomiya ay pinapatakbo ng pamahalaan at pribadong sektor.
___8. Ang Market Economy ay isa sa mga sistemang pang-ekonomiya na umiiral sa mundo. Sa sistemang ito ano ang
nagtatakda ng dami bibilhin ng mga mamimili at ang dami ng malilikhang produkto at serbisyo ng mga
prodyuser?
A. Likas-yaman B. Pamahalaan C. Presyo D. Prodyuser
___9. Sa iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya na umiiral sa mundo, anong katangian na nakapagbubukod-tangi sa
sistemang mixed economy na siyang dahilan upang ito ang ginagamit ng mas nakararaming bansa?
A. Ang pagkontrol ay alinsunod sa komprehensibong control at regulasyon ng pamahalaan.
B. Ang anomang produkto na kanilang nalilikha ay ipamamahagi ayon sa kanilang pangangailangan at kung sino ang dapat gumamit.
C. Nagpapahintulot sa pribadong pagmamay-ari ng kapital, pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng presyo at pangangasiwa ng gawain
D. Hinahayaan dito ang malayang pagkilos ng pamilihan subalit maaaring manghimasok o makialam ang pamahalaan sa mga usaping nauukol sa pangangalaga ng kalikasan, katarungang panlipunan, at pagmamay-ari ng estado.
___10. Anong sistemang pang-ekonomiya sumasagot sa unang katanungang pang-ekonomiko batay sa puwersa ng
pamilihan?
A. Traditional Economy B. Market Economy C. Command Economy D. Mixed Economy
___11. Ang command economy ay isa sa mga pangunahing sistemang pang-ekonomiya ng mundo. Sa sistemang ito,
sino ang kumukontrol at nagpapatakbos sa ekonomiya?
A. Konsyumer B. Pamahalaan C. Pamilihan D. Prodyuser
___12. Alin sa sumusunod ang may pinakawastong interpretasyon sa kasabihang, “There isn’t enough to go around.”
ni John Watson Howe?
A. May limitasyon ang mga pinagkukunang-yaman kaya’t hindi ito sasapat sa pangangailangan ng tao.
B. Ang walang pakundangan na paggamit ng pinagkukunang-yaman ay hahantong sa kakapusan.
C. Walang hanggan ang pangangailangan ng tao gayundin ang mga pinagkukunang-yaman.
D. May Hangganan ang halos lahat ng pinagkukunang-yaman sa buong daigdig.
___13. Papaano mo gagampanan ang iyong tungkulin bilang kasapi ng pangkat kung ikaw ay kabilang sa market
economy?
A. Wala sapagkat ang katungkulan ko sa ekonomiya nagmumula sa pamahalaan batay sa plano.
B. Malaya akong makakakilos ayon sa sariling kagustuhan o interes nang hindi pinakikialaman ng pamahalaan.
C. Tulong-tulong sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pakikinabang sa pinagkukunang yaman.
D. Malaya ang mamamayan subalit ang pamahalaan ay may control pa rin sa ilang mga gawain.
___14. Ang sistemang pang-ekonomiko ay sumasagot sa apat na pangunahing pang-ekonomiko. Alin sa sumusunod
ang kasagutan ng Traditional Economy sa katanungang: Ano-anong produkto at serbisyo ang gagawin?
A. Ang produkto at serbisyong gagawin ay nakabatay sa puwersa ng pamilihan.
B. Ang produkto at serbisyong gagawin ay nakabatay sa utos ng pamahalaan.
C. Ang produkto at serbisyong gagawin ay nakabatay sa tradisyon, kultura at paniniwala.
D. Ang produkto at serbisyong gagawin ay nakabatay sa puwersa ng pamilihan at pamahalan.
___15. Piliin sa sumusunod ang tamang paraan ng pagpapasya ng market economy.
A. Nakabatay sa tradisyon, kultura at paniniwala.
B. Ang pamahalaan ang may ganap na kapangyarihan upang makamit ang mga layuning pang-ekonomiya.
C. Hinahayaan ang pamilihan subalit maaaring manghimasok ang pamahalaan.
D. Alinsunod sa pansariling interes ng nagtitinda at mamimili.
Share
Answer:
6A,7C ,8C ,9B,10 A ,11A,12D,13D,14C,
Explanation:
im sorry yan lang alam ko pa brainlies pls
Answer:
1.A
2.C
3.C
4.B
5.A
Hope it helps!
To more helps and answers just follow and heart my answer ;)